Mark Tyron Cervantes' Point of View.
"How about the balloons?"
Mabilis akong tumakbo sa lamesa at saka tinaas 'yong mga lobo. Tumango si Lucas nang makita niya 'yon. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang first day of school pa lang ulit pero ngayon, October na.
Nandito kami ngayon ni Lucas sa apartment ni Aika. Hindi niya alam so bali sinira muna namin 'yong lock ng pinto niya. Malamang, isu-surpresa nga namin siya, e, tapos hihingiin namin 'yong susi? Edi hindi na surprise 'yon.
Nasa school sila Joaquin ngayon. Nag-cutting muna kami ni Lucas para ma-set-up ang surpise kay Aika. Birthday niya kasi ngayon, kaya kahit may isa-submit pa akong plates bukas, e, hindi ko muna ginawa. Saka na, kailangan makabawi kay Aika. Sayang nga na hindi namin naabutan 'yong debut niya pero hayaan na, ang mahalaga magkakasama kami ngayon.
Actually, joke lang. Hindi kami nag-cutting ni Lucas. Nagpaalam kami sa adviser ng student council, sinermunan muna kami pero pinayagan din naman kami so ayon.
"You think she'll like this?" tanong ng kasama ko.
"Oo naman." sagot ko. Simple lang naman si Aika, e. Ilibre mo nga lang ng ice cream 'yon, natutuwa na.
Inusog namin ni Joaquin 'yong couch sa gilid at saka nilagyan ng blanket ang sala. Nilagay namin sa center table 'yong mga pinamili naming beer, chichirya at saka pizza. Mamaya pa dadating si Aika dahil papasok pa siya ng trabaho kaya baka initin na lang mamaya. Sila Joaquin na raw ang bibili ng cake pagkahatid nila kay Aika sa trabaho.
Pagkatapos ay humiga muna kami sa couch na inusog namin. Amp, tumabi pa kasi sa akin si Lucas, e, hindi tuloy ako makagalaw. Buset!
Aika Salvador's Point of View.
"Hi,"
Nginitian ko agad si Kerght nang maupo siya sa tabi ko. Panigurado wala na naman silang professor dahil nakasabay ko na naman siya kumain. Wala siyang dalang pagkain, libro lang.
"Hindi ka kakain?" tanong ko.
Umiling siya. "Nope, may assessment kami mamaya. Magre-review na lang ako." sagot niya.
I shrugged. Kawawa naman siya. Baka mas hindi siya makapag-focus kapag nasaktuhang kumalam ang sikmura niya habang nagte-test?
Hindi ko na kinausap si Kerght na busy na busy sa pagbabasa. Tumayo ako at saka bumili ng macaroni spaghetti. Subuan ko na lang siya. Masyado siyang focus sa pagre-review hindi na niya napansin na umalis ako. Bumili na rin ako ng bottled water.
Pagbalik ko ay nagre-review pa rin siya. Ang sipag talaga. Samantalang ako, 52/60 ang nakuha doon pero ayos na. Umupo ako sa harap niya.
"Ah,"
Ngumiti ako nang nasubo ko sa kanya 'yong macaroni nang hindi niya napapansin. Seryoso ba 'tong taong 'to? Sa sobrang busy niya, hindi na niya alam na may nginunguya siya? Hahaha.
Hindi pa nga rin nila ako nababati ng "Happy Birthday" ngayon. Birthday ko kasi. Si Lino pa lang ang nakakaalala. Ayos lang naman, nakikita ko naman kasi na busy talaga sila, lalo na sila Lucas at Tyron na pumunta pa sa ibang school para sa isang tournament.
Dalawang beses ko nang nasusubuan ng pagkain si Kerght pero panay pa rin ang basa niya.
"Are your hands injured, Kerght?"
Sabay kaming napalingon ni Kerght kay Joaquin na nakatayo na sa gilid namin. Tumabi sa akin si Joaquin. Si Kerght naman ay kunot-noong ngumunguya habang nakatingin kay Joaquin.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Genç KurguCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...