Tyron, Joaquin, and Lucas on the media! Again, you can always imagine your preferred portrayers.
--
"Masarap 'yan?" tanong ni Kerght habang nakatingin sa ice cream ko.
Tumango ako sa kanya, "oo, pero mas masarap kapag ikaw mismo bumili at hindi ka nanghing--"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay kinuha na niya sa akin 'yong kutsara at saka sumubo ng ice cream. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang tinawanan niya lang ako.
Nandito kami ngayon sa Gemimor Park, 'yong park na malapit lang sa Gravendelle. Maaga kaming dinismiss, 1:00pm pa lang pero makulimlim naman. May orientation daw kasi ang mga nakapasang Senior high school at colleges ngayon. March na rin kasi.
"Summer na! Saan gala natin sa bakasyon?" tanong bigla ni Tyron.
"La Union kaya?" suggestion naman ni Aeraun.
Nakikinig lang naman kami nila Joaquin sa kanila. Nakasandal ang ulo ni Lucas sa balikat ko habang nakaupo kaming lahat sa damuhan. May mga bench naman kaso gusto nila sa damuhan dahil malinis din naman daw 'yon.
"Woah, oo nga! Paano mo naisip 'yon, Raun?"
Nagkibit-balikat lang si Aeraun kay Kerght at pinakita ang phone niya, "I saw it on my Facebook feed just now." at saka siya tumawa.
Nanatili namang nakahiga si Joaquin sa binti ko at busy na busy sa pagpipindot sa phone niya.
"What?" aniya nang kalabitin siya ni Lucas.
"La Union daw sa summer."
"Yeah, sure. Whatever you want."
Pagkatapos nun ay nagpatuloy sila sa pag-uusap ng kung ano-ano. Ex-girlfriends, future, careers, and all.
"Kerght," tawag ko. Tumingin siya sa akin at saka nagtaas ng kilay. "Babaero ka ba?" tanong ko na tinawanan nilang lahat bukod kay Kerght.
E, bakit? Naalala ko kasi sabi ni Miss Arriana dati, babaero raw si Kerght.
"Nang-iinsulto ka ba, Aika?" masama na tingin niyang tinanong sa akin.
I shrugged. "It's a question." sagot ko. Tawa pa rin naman nang tawa si Tyron.
"Paano ako magiging babaero, e, wala nga atang nagkakagusto sa akin?"
Wala raw. Kung alam niya lang kung paano kiligin ang mga kaklase ko sa ibang subject kada pinag-uusapan siya. At saka, hindi niya ba nakikita mga tingin sa kanila kada dadaan sila? Hay nako.
"Dati kasi sabi ni Miss Arriana babaero ka, e." sagot ko na mas nagpalakas ng tawa ni Tyron. Ano ba meron kasi? Nagtatanong talaga ako, e.
"Anak ng--" at saka niya sinapo ang ulo niya. "Lagi kasi ako dati naaabutan ni ate na nagtuturo rin ng sayaw sa school, akala niya lahat ng babae noon pinopormahan ko. Hays!" sagot niya.
Pft. Ayon pala 'yon. Hahaha!
"Oh, ngayon tatawa-tawa ka d'yan."
Nag-peace sign lang ako sa kanya habang natatawa pa rin. At siya? Umirap lang bago kuhain ulit sa akin 'yong ice cream ko. Grr.
"Have you had a boyfriend before, Aika?" tanong bigla ni Lucas.
"Right, have you had a boyfriend when we were in first year? Hindi ka pa kasi namin ina-approach noon." tanong ni Aeraun.
Umiling ako. "Nope. Haven't had any." sagot ko naman.
"Why?" tanong na naman niya. Interview pala 'to, hindi naman ako na-inform.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...