"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Sayang 'yong mixture, mga tukmol kayo."
"Amp. Ano 'yan? Scrambled eggs?"
Palabas pa lang ako sa kwarto ay rinig na rinig ko na agad ang tawanan na nanggagaling sa kusina. Mukhang nandoon silang lahat. Since ayos naman na ang pakiramdam ko at nag-ayos na rin ako ng sarili bago lumabas ng kwarto, pumunta na ako sa kusina para magpaalam sa kanila. Aalis na ako. Hindi ko naman sila kaibigan para kapalan ko ang mukha ko at mag-stay pa rito. Isa pa, kailangan ko nang mag-ayos ng mga gamit dahil bukas ay balik-eskwela na naman.
Naabutan ko sila na nagtatawanan pa rin, not to mention na nakahiga na sa sahig si Kerght at tila bulateng inasinan sa pangngisay habang tumatawa ang isang Tyron.
"Oh. Good morning, Gry!" bati sa akin ni Lucas. Bahagya lang akong ngumiti sa kanya. Yes, from now on I will be kind to them... Not too kind na magiging kaibigan ko na sila but kind enough to make it up to them.
"DON'T TOUCH THE PANCAKES!"
"I think we're doing good.."
Tahimik ko lang na pinagmasdan ang dalawa, si Joaquin na walang tigil sa paghahampas ng mga kamay nila Tyron at si Aeraun na panay ang check sa mga pancakes.
"Mauuna na ako. Thank you.." sabi ko sa kanila. Nahihiya pa akong magsabi ng thank you pero alam kong dapat talaga akong magpasalamat sa kanila. I think God sent me these boys.
"Huh?" at doon ko lang pala makukuha ang pansin ng dalawang abala sa pagluluto ng pancakes.
"Mamaya ka na umuwi, mag-breakfast muna tayo."
Inilingan ko si Tyron. "Hindi na, salamat na lang. May mga gagawin pa kasi--"
"You could do that after eating breakfast with us." pagpuputol sa akin ni Joaquin. I heaved a sigh before letting them win the argument. Ayoko munang makipagtalo sa kanila dahil maaga pa masyado para ma-stress ako at may utang na loob pa ako sa kanila.
I wonder how could I make it up to them.. aside from being a bit nicer to them. Hays.
"Ang dami niyo atang nalagay na butter." komento ni Lucas. Naupo na lang ako sa kitchen counter sa harap nila Joaquin na nagluluto ng pancakes.
"You think so?" tanong ni Joaquin sa kanya. Pinanood ko na lang ulit sila na subukang baligtarin ang pancakes. Oh boy..
"Shoot. Sunog 'yong pancakes." nagkatinginan ang dalawa habang binalot na naman ng weirdong pagtawa ng tatlo ang kusina.
"Weh? Let me see?" natatarantang inagaw ni Joaquin magmula kay Aeraun ang spatula. Mariin niyang pinikit ang mata niya at saka kinagat ang labi nang makitang sunog nga talaga ang pancakes.
I can't help but to chuckle. Hindi maipinta ang mukha ng dalawa samantalang namumula na sa kakatawa iyong tatlo. Bakit ba kasi tinatawanan lang nila? Bakit hindi na lang nila tulungan? Pft.
Matapos ang almusal kasama ang magkakaibigan ay umuwi na agad ako sa apartment ko. Hindi na ako nagpahatid sa kanila dahil masyado na iyon para sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko, obviously. Pagkauwi na pagkauwi ko ay nag-ayos na agad ako ng mga gamit para sa school bukas. Wala naman masyadong nangyari sa huling araw ng bakasyon kaya mabilis lang ang oras.
Criminal Law ang first period namin ngayong Lunes at as usual, wala na namang professor. Pagpasok ko sa classroom ay bumungad agad ang mga magkakayakapan na magkakaibigan sa klase namin, mayroon pa nga rin na magjowa. Ew. Charot. Hindi ako bitter, okay.
Napalingon ako nang may naaninag akong may kumakaway sa bandang likuran. Kerght. Oo nga pala, kaklase ko siya kada subject na ito. Bahagya ko na lang siyang nginitian at saka naupo sa kabilang dulo kahit na alam kong tinatawag niya talaga ako palapit sa kanya. Be nice to them but don't befriend them. A'ight.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...