Chapter 25

100 2 0
                                    

Mabilis lumipas ang bakasyon pero masaya naman ako. Nagtrabaho at gumala lang kami nang gumala nila Joaquin. Hindi katulad ng mga dating bakasyon, mas masaya ako ngayon. Natutuwa rin ako dahil kaya ko nang sustentuhan ang sarili ko nang walang pinoproblema. I got my job, I have money to enroll myself and I also have money to pay my bills. Isa pa, nakapag-ipon din ako. Hindi pa naman masyadong malaki ang ipon ko pero kaya na at masaya na ako doon.

First day na ulit ng school ngayon. Grabe, fourth year college na kami! Last year na namin dito sa Gravendelle, well except for Tyron but I'll surely miss this university!

Sabay-sabay kaming nag-enroll nila Joaquin at ngayon ay sabay-sabay naman kaming pumasok. Hindi nila ginamit 'yong mga motor nila, naka-van kami ngayon at si Lucas ang nagda-drive. Ewan ko rin sa kanila kung bakit nila natripan 'to.

Pagkababa namin ay naglakad agad si Lucas. May kinausap siyang mukhang senior high. Oo nga pala, may senior high school students na dito. Hindi pa rin ako sanay.

Pinuntahan ko silang dalawa at binasa ang nakalagay na name sa folder na hawak nung babae.

"Merielle Tamayo," mahina kong basa. Medyo maikli ang buhok niya at kulot. Nakasuot siya ng mild na make-up at nakasalamin. Ang cute niya.

Ngumiti siya sa aming dalawa ni Lucas bago magpaalam umalis.

"Grabe, Lucas." biro ko.

Nilakihan niya naman ako ng mata at inirapan. "Silly! She seems lost that's why I approached her. Baliw ka talaga." natatawa niyang sabi.

Tinawanan ko lang din siya sabay sabing, "joke lang."

Dumating na rin ang apat na halatang puyat na puyat. Paano kasi, alam naman na first day of school ngayon pero nagpuyat pa rin at nanood ng horror. Buti pa ako natulog na agad.

Kung last year ay si Joaquin at Kerght ang mga naging kaklase ko, ngayon naman ay si Lucas. Sa first period namin kada Lunes ay magkakaparehas kami ng building at sa katabing building lang ang architecture dept., na building ni Tyron. Kaya naman sabay-sabay kaming lumakad doon.

Nakita ko pa si Lino na nakatayo sa tapat ng building.

"Hi, Lino!" bati ko.

Nginitian niya ako at saka lumapit sa amin. "Class?"

"Class LM04." sagot ni Lucas.

"Same! Sabay na tayo umakyat."

At ayon nga, nagsabay-sabay na kaming umakyat. Sa second floor lang ang amin nila Lucas at sila Joaquin ay sa taas pa kaya nagpaalam na kami sa kanila.

Magkakatabi kami sa upuan nila Lino at Lucas. Nagpaalam saglit si Lino na magsi-cr kaya naiwan na naman kami ni Lucas sa likuran.

May mga naging kaklase ako last year na kaklase ko pa rin ngayon, 'yong treasurer namin at saka 'yong mga babae na kinikilig kay Kerght. Si Lucas naman ay agad na ngumiti sa mga estudyante pagkapasok namin kanina sa room. President, e. Syempre kilala.

"Tatakbo ka ba ulit this year?" tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa pagdudutdot sa phone niya at tumango. "Yes, I wanna make the best out of it." sagot niya.

"Isn't it a bit pressuring for your situation? We're graduating this year."

Umiling siya. "I'm not aiming for the summa cum laude spot anymore, I've given that to Joaquin and Aeraun already." sagot niya ulit.

Tumango ako.

"I just want to work out my leadership skills more. I love leading people." aniya.

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon