"Philippians 4:6. Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God."Napabalikwas ako nang may biglang magsalita sa likuran ko. Si Kerght Dela Cuesta lang pala. Kinunutan ko siya ng noo. Ano ulit 'yong sinabi niya?
"Judger. Alam ko naman na hindi bagay sa akin 'yong nagsa-sight ng mga Bible verse pero pinapakalma lang naman kita," sabi niya sabay hawak sa baba niya na parang nag-iisip. "Tignan mo itsura mo, kabadong-kabado ka pa rin kahit tapos na ang interview." pagpapatuloy niya pa.
Umiwas ako ng tingin at saka nagsalita. "Hindi na ako kinakabahan, 'no." at syempre nagsisinungaling lang ako. Paano ba naman kasi, nauutal pa akong sumagot sa mga tinanong sa akin ni Miss Arriana. At saka, bagay ba sa akin ang pagiging assistant dito sa law firm nila? Kung hindi ako matatanggap, kakailanganin ko na naman na maghanap ng trabaho. Hay nako naman!
"Hindi ako kinakabahan, 'no." panggagaya niya sa nakakairitang boses.
Inirapan ko na lang siya at tuluyan nang naglakad palabas ng building ni...la. Psh. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa habang nakasunod siya sa akin. Binabati niya ang mga empleyado dito na parang tropa niya lang, ina-apir niya saka niyayakap. Tss.
"Saan ka pupunta? Uuwi ka na?" tanong niya.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya nang may maalala akong sinabi niya sa akin dati. "Engineering student ka ba?" tanong ko.
"Law. 'Di ba nga sabi ko sa'yo dati kaklase mo ako? Tapos in-invite pa nga kita sa Debate Club namin." aniya.
"E, bakit kasama ka nila Narumi noong..."
"Ah, ayon ba? In-approach kasi ako dati nung kaibigan mo dahil may gusto siya kay Quin tapos inaya niya rin ako na sumama sa kanila noong gabing 'yon." pagpapaliwanag niya.
Tumango-tango na lang ako. Dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang pangalan at itsura nila noon, naguguluhan tuloy ako ngayon kung sino ba ang sino at ano ang ano tungkol sa kanila.
Si Joaquin 'yong Dean's lister sa kanila at law student siya katulad nila Aeraun, Kerght at Lucas. Si Aeraun 'yong Law Department Representative namin at si Lucas naman ang president ng buong student council. Si Kerght naman ay debate club member at dancer. Tapos, ang nag-iisang Architecture Student sa kanila ay si Tyron na model at student assistant ng school. Okay. Ngayon ay malinaw na sa akin.
"Uy, curious siya. Gusto mo na akong kaibigan, 'no?" sabi niya with matching tulak pa sa akin. Napakaharot nito. Psh.
At saka ano? Ako? Gusto sila maging kaibigan? I mean... Of course. Pero wala pa rin akong balak kaibiganin sila. Ayaw kong makapahamak na naman ako ng tao. Pagod na akong sisihin ang sarili ko.
Nginiwian ko lang siya at saka naglakad na ulit hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan sa building. At dahil wala naman akong alam sa lugar na ito, magga-grab na lang ako. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nag-book ng grab.
"Bakit ka nagbu-book ng grab? May sakayan kaya doon papuntang Gravendelle." komento ng lalaking nasa tabi ko. Nakapamewang pa siya.
"Mukha bang may alam ako sa lugar na ito?" naiirita kong sagot. Bakit ko nga ba kinakausap 'tong si Kerght? Just ignore him, self.
"Hala. Susundan ba kita dito kung wala akong balak ihatid ka? Mygosh!" maarte niyang sagot. Ano? Ihahatid niya ako? Utot!
Tinignan ko siya. "Sino ba may sabi sa'yo na ihatid ako?" ugh. Bakit ko ba siya talaga kinakausap? Sabing ignore him nga, e! Gry, naman!
"Bakit, kaya mo ba umuwi ng mag-isa, ha?" mataray niya rin na sagot sa akin. Inhale. Exhale.
H'wag kang papatol sa baliw para hindi ka magmukhang baliw, Gry.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
TeenfikceCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...