Chapter 1

464 7 1
                                    

Official Hashtag: #TMWLI

PROVERBS 18:24

"Some friends play at friendship but a true friend sticks closer than one's nearest kin."








Ang malakas na alarm ang gumising sa akin ngayong umaga. Lunes na naman, parang dalawang oras lang ang weekends tapos isama mo pa ang tambak na gawain dahil malapit na matapos ang first semester namin kaya marami kaming hinahabol na requirements.

Tumayo ako mula sa kwarto at nagpunta sa kusina ng apartment na tinutuluyan ko malapit sa Gravendelle University, kung saan ako nagkokolehiyo ngayon. 7:00AM ang klase namin at 6:20AM na. Wala na akong panahon mag-almusal kaya nagkape na lang ako at matapos iyon ay dumiretso na sa banyo para maligo.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng apartment ng unit. Suot-suot ko ngayon ay jeans at sweater lang, December na kasi, e. Wash day namin sa Gravendelle University ang Lunes at Miyerkules, pero kadalasan ay may kanya-kanyang uniporme ang bawat department. Ang Law Department ay black fitted below the knee na palda at polo ang pinapasuot sa mga kababaihan, minsan pa nga ay pinapatungan pa namin ng coat.





"Hey, Gry!" bati ni Narumi sa akin. She's my only best friend in this University. Sa nilaki ng populasyon ng tao dito, siya lang ang kaibigan ko. Ewan ko, siya lang din naman kasi ang nagtangka na kaibiganin ako. I don't do first moves, ayoko na masyadong may ma-involve sa akin. I just don't like it and the things that might happen to them by just knowing me.

Nginitian ko siya at kumaway rin gaya ng ginawa niya. Malaki ang pagkakaiba namin ni Narumi, tignan niyo, skirt at fitted na cropped top t-shirt ang suot niya samantalang ako, balot na balot. Hindi ko rin minsan maintindihan siya dahil wala sa panahon ang mga sinusuot niya. Magsuot ba naman ng ganyan sa tag-ulan, 'di ba?

Sabay kaming pumasok sa Criminal Law na subject namin. As usual, walang professor. Na-inform naman ako na ganito talaga sa kolehiyo, pero hindi ako na-inform na buong semester kaming walang teacher sa subject na ito at susulpot lang siya kapag exam namin.






"Four hours vacant time? I love Mondays!" natatawang sabi ni Narumi. I just laughed with her hanggang sa makarating kami sa canteen. Per building, may mga canteen na nakalagay sa first and third floors pero dito sa Memoir Building of Law Dept., isa lang at sa third floor lang. Buti nga nasa fifth floor lang ang room namin at hindi seventh dahil kung hindi, bago pa man din kami makabalik sa room, bumaba na ang kinain namin.

Crowded lagi ang canteen sa building na ito dahil nga nag-iisa lang. Pumila na kami para bumili ng makakain. Dahil wala akong almusal, magpapasta at lasagna ako ngayon. Usually kasi pizza slice lang kapag mga araw na nakapag-almusal naman ako.

"Hi, Joaquin!" dinig kong bati ni Narumi sa taong nasa likod. Joaquin Zylvester, number two sa Dean's list ng school na 'to. He's popular but he's nice. Hindi siya katulad ng mga 'yong nababasa sa libro na arogante, he's actually the opposite. Lagi siyang nakangiti, kada nagkakatinginan kami, nginingitian niya ako.

"Hello," rinig ko pa ang mahinang tawa niya. Umorder na ako nang kami na ang nasa counter. Dahil busy si Narumi na makipag-usap sa crush niya, inorder ko na rin siya ng lagi niyang ino-order which is, carbonara. Kinuha ko na rin ang mga order namin, nakakahiya naman sa kanya. Baka ako pa ang maging hadlang ng lovelife niya, lol!

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon