"Hi, Gry!" bati sa akin ni Tyron.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng Gravendelle ay nakita ko na siya agad. Pinalilibutan siya ng mga taong inaayos 'yong suot niyang puting tuxedo na pinagmumukha siyang prinsipe. Mayroon din na nakatapat na camera sa kanya at saka nagkukulot ng buhok niya. May pictorial ata siya, nawala sa isip ko na model nga pala 'to.
"Gry!" bati rin sa akin ni Lucas na may hawak na notebook. Siguro chine-check niya 'yon... As the student council's president.
Nginitian ko lang sila parehas at dumiretso na sa paglalakad. Wala naman kasi akong gagawin kung sasama ako sa kanila.
Bago pa ako tuluyang makalagpas sa kanila ay narinig kong sumigaw si Tyron. "Mamayang vacant niyo, nood kayo ng King and Queen of Gravendelle, ha! Kasali ako!"
Nilingon ko siya saglit at saka nagkibit-balikat lang habang nakangiti. I can't make a promise na pupunta ako.
Pagkapasok ko sa unang klase ay nakita ko si Joaquin. As expected, binati niya rin ako at nginitian ko lang din siya. Naupo ako sa bandang likuran, sa kabilang dulo ng inuupuan ni Joaquin.
"Hi, Lino!" rinig kong bati ng kaklase ko. Lino?
Mabilis kong iniangat ang paningin ko at saka hinanap ang sinasabi nila. Kaklase ko pala 'yong Lino sa Practice Court? Ganon na ba ako kaiwas sa mga tao na hindi ko na kilala talaga ang mga nagiging kaklase ko sa bawat subject?
Gulat ko rin siyang pinagmasdan habang nakatingin siya sa akin. Naglakad siya palapit sa akin at tinuro 'yong bakanteng upuan sa tabi ko.
"May nakaupo ba?" tanong niya.
"Wala." mabilis kong sagot.
Umupo siya agad sa tabi ko at saka nag-ayos ng gamit. Ganon na lang din ang ginawa ko kesa panoorin ang katabi ko sa ginagawa niya. Nilabas ko ang handouts ko sa Practice Court at saka nagsimulang mag-highlight ng mga sulat. Kailangan kong bumawi sa mga subjects ngayon.
"Alexis Gryleath, right?" dinig kong tanong ng katabi ko.
Tumango ako at tinapunan siya saglit ng tingin bago bumalik sa ginagawa ko. Napataas ang kilay ko nang bigla niyang inilahad ang kamay sa harapan ko.
"Lino Hernandez." pagpapakilala niya.
I guess I have to be nice to him dahil choreographer namin siya. Tinanggap ko ang kamay niya.
"Nice meeting you, Lino." pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.
Nakita ko na nakatingin sa amin si Joaquin pero hinayaan ko na lang. Ano ba naman kasi ang dapat kong gawin?
Maya-maya pa ay dumating na ang professor namin at nagsimula na ng minadali niyang lesson.
Matapos ang ilang oras ay nag-dismiss na agad siya. Mabilis akong tumayo at nag-ayos ng gamit.
"May gagawin ka ba ngayong vacant?" dinig kong tanong ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman ako sigurado kung ako ba 'yong tinatanong niya.
"Alexis, do you have plans this vacant?" tanong niya ulit at this time, umupo talaga siya sa harapan ko.
Nakita kong naglakad sa gilid namin si Joaquin habang tutok sa cellphone niya. And then something came up to my mind.
"Mayroon. Manonood ako ng King and Queen of Gravendelle University kasama sila Joaquin." sagot ko.
Nakita kong tumigil sa paglalakad si Joaquin at bahagyang tumawa. Lumapit siya sa akin at saka inilahad ang kamay niya.
"I'm so stupid I almost forgot that! Let's go?" ngiting ngiti na sinabi niya.
Nginitian ko lang din siya at saka umalis na. Bago pa umalis ay nilingon ko muna si Lino at saka nagpaumanhin. Ayoko sumama sa kanya. I know I have to be nice to him pero hanggang doon lang. Hindi naman siya katulad nila Aeraun na alam ko nang mapagkakatiwalaan ko.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...