Kerght Dela Cuesta's Point of View.
"Oh, eto na, napkin!" sigaw ko habang kumukuha ng table napkin. Ano naman itutulong neto sa sakit ng puson ni Aika???
"What do you mean? The pads are-- Kerght! Damn, sanitary napkins! Not table napkins!" sigaw ni Quin. Ano raw? Anong-- Ah! Napkin! 'Yong ginagamit ni ate Arriana! Nakita ko na 'yon dati sa cabinet niya, e, noong kukuha sana ako bente pambili ng pogs.
Sinabunutan ng isa ang sarili niya at saka tinignan ako nang masama.
"Dammit, just grab hot packs! I'll go get pads with Tyron." aniya bago umalis. Nakita ko pa siyang hinila si Ty na tumitingin ng ice cream. Pft.
"Hot packs, he said? Over there." sabi ni Aeraun. Sinundan ko na lang siya kung saan siya papunta. Jusko, ako ang may kapatid na babae pero ako pa ata walang alam sa amin. Walangya! E, kasi naman, kapag mayroon si ate pinagtatabuyan niya ako. Naiirita raw siya sa pagmumukha ko. Hmp!
"Hey, Quin, I'll get dark chocolates." sabi ni Lucas na nakasalubong pa namin.
Tumigil ako sa row ng sanitary pads. Tahimik kong pinanood si Quin at Tyron. Anak ng tokwa't baboy. Ang gagwapo pero bibili ng napkin. Hahaha!
Nakapamewang si Joaquin at si Tyron naman ay kagat-kagat ang labi. May babaeng nagsasalampak ng mga pads, hindi sila pinapansin.
"May napkin po kayo?"
Putek! HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
"Damn, Ty. Of course, they have. Can't you see those?!"
"E-e, kasi naman, paano ba ako magtatanong? Mukha ba akong may alam dito?!"
"Ugh. Miss, please give us... uhm, pads."
"Hindi mo kayang kumuha mag-isa?"
"Shut up, Tyron!"
"For heavy flow po ba, sir?" tanong ni ate gurl.
"H-huh?"
Anak ng tinapa! Wait, naririnig ko 'yon kay ate, e. Ano ulit ibigsabihin ng heavy flow? Ano ba 'yan, alam ko 'yon, e!
"Kapag heavy flow po kasi, h'eto ang best seller namin," at saka siya may binigay kay Ty. "kapag naman po normal, h'eto," nagbigay siya ulit ng isang pack. "with wings po ba or without?" tanong niya.
"I don't know..."
Teka, ano ba 'yong ginagamit ni ate? Haluh! Alam ko rin 'yan, e. Bakit nakalimutan ko?! Nakakainis, self!
"We'll just get all of these."
"Pero, sir, with wings po 'yan, may mga without wings din po niyan."
"Uhh, we'll get those too, please."
Natawa saglit si ate gurl bago nagbigay ng dalawa pang panibagong pack ng napkin. Kinuha 'yon ni Quin at saka umalis na. Psh, hindi man nila napansin ang gwapong ako. Oh well, mapuntahan na nga lang si Ae--
"Wow, thanks for helping me find hot packs, ha." nakabusangot niyang sabi sa akin.
"Ay sorry, hehehe."
Sinundan ko silang dalawa ni Lucas na sabay naglalakad papuntang counter kung saan nakapila sila Tyron.
"Oh shoot, guys, the admission's office is calling me. I need to go now, kayo na muna bahala kay Aika." at saka umalis si Lucas.
Kumaway na lang ako sa kanya kahit nakatalikod siya. Binuksan ko ang phone ko habang naghihintay sa pila.
Ilang minuto pa ang lumipas bago namin mabayaran 'yong mga pinamili namin. Anak ng tinapa talaga, bakit ang daming estudyante dito sa convenient store sa labas ng Gravendelle? Ang alam ko mga student council officers lang ang pwede lumabas kada class hours, ha? Nagka-cutting kaya sila?
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...