"Narumi, nasasaktan ako!" sigaw ko.
Halos mapunit na 'yong anit ko sa sobrang lakas ng paghila niya sa buhok ko.
"You deserve it! You're so selfish knowing na wala kang dinulot na maganda, nakikipagkaibigan ka pa!" aniya.
Ramdam ko ang mas malakas na paghila niya sa buhok ko kasunod ng pagbagsak ko sa sahig. She went on top of me and continued pulling my hair.
"I hate you so much! Sa dinami-dami ng taong ipapahamak mo, 'yong gusto ko pa!" sigaw niya.
She stopped pulling my hair and slapped me. Tinulak ko siya at sinubukang tumayo pero tinulak niya rin ako na nagdahilan sa akin na bumagsak na naman sa lapag. She was about to attack me again when someone pulled her away from me.
"Stop it, you two." sabi ni Lino.
Mahinahon lang ang boses niya pero nakikita kong galit na ang mukha niya. Why was he here anyway? Hindi ko naman siya kaklase ngayon, ha?
"Don't touch me!" at saka nagpumiglas si Narumi. She pointed her fingers towards my direction, "We're not yet done." sabi niya.
Tumalikod na siya at naglakad palabas ng room nang tumigil siya sa harap ng pintuan. What again? Hindi pa ba siya tapos sa ginawa niyang gulo?
Nilapitan naman ako ni Lino at tinulungang tumayo. Sumandal ako sa desk ko at inayos ang nalukot kong uniform. Sigh.
"Ayos ka lang?" tanong ni Lino.
Tumango ako.
"Gusto mo dalhin kita sa clinic? May sugat ka sa mukha." sabi niya.
Napalingon naman ako nang dumaan si Narumi sa gilid ng room. She was with... Lucas? Nandito pala sila Lucas?
Sakto naman ay napatingin din si Lucas sa direksyon namin ni Lino. Umiling siya at sinenyasan ako na siya na raw ang bahala kay Narumi.
"Sa dinami-dami ng taong ipapahamak mo, 'yong gusto ko pa!"
Sigh.
"Hey, Gry, are you fine? What happened here?"
Iniangat ko ang tingin ko at nakita si Joaquin kasama si Aeraun. They look worried.
"You're so selfish knowing na wala kang dinulot na maganda, nakikipagkaibigan ka pa!"
"Do you want us to bring you to the clinic?" tanong naman ni Aeraun.
Umiwas ako ng tingin at saka tumayo. "Ako na lang. Kaya ko na." sagot ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng room. Nakita ko ang mga tingin sa akin ng mga kaklase namin. Dinig ko rin ang mga bulung-bulungan nila.
"Kaano-ano ba siya nila Joaquin?"
"Anong pahamak?"
Umiling na lang ako at saka tuluyan nang lumabas ng room. What has gotten to me?
Una, I initiated na sumama sa kanila. Pangalawa, I called Tyron, my friend. Pangatlo, sumama ako sa kanila sa celebration nila. Pang-apat, nakitulog pa ako sa bahay nila Tyron. Not to mention na pinatuloy ko pa sila sa apartment ko.
Masyado ata akong nakampante na mapagkakatiwalaan sila... nalimutan ko na ako pala ang dapat nilalayuan nila. Hay.
"Gry! Are you sure you can go alone to the clinic? Hindi ka ba nahihilo?"
Lumingon ako at nakitang nakatayo sa pintuan ng room si Joaquin, Aeraun at si Lino. I bit my lip. They're just too good to be friends with me.
Hindi na lang ako sumagot at naglakad na ulit palayo. Wala rin naman akong balak pumunta ng clinic. Galos lang naman ang nasa mukha ko at mas masakit pa anit ko kesa doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/207808350-288-k736144.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...