Thank you for the 500 reads!
How come did we reach 500 reads but the votes remained 7 :(( anyways, I'm still grateful! Here's an update. Nine more chapters and we've finished our first book!
Makalipas ang ilang linggo.
"Aika naman, e." pagrereklamo niya sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin at saka nagpatuloy sa pagpili ng mga lipstick.
Gusto ko sana ng nude kaso dahil maputi ako, baka mas maputla akong tignan kung masyadong light. May mga ibang nude naman na babagay sa akin, for sure, hindi ko nga lang mahanap.
"H'eto!" mabilis kong kinuha 'yong nakita kong lipstick. Skin tone ang kulay niya. Tumalikod ako para harapin si Kerght pero wala na siya noong pagkaharap ko.
"Huh?" nilibot ko ang tingin ko sa department store. Nasaan na 'yong mga 'yon?
"Huy, ayaw ko nga-- Quin, oh! Ayaw ko nga!" pagpupumiglas ni Tyron. Hila-hila siya ni Kerght papunta sa akin habang ang tatlo ay nasa likod nila.
"Aika, siya naman lagyan mo ng lipstick! H'wag na ako, parang awa mo na ang gwapo-gwapo ko tapos light pink nilagay mo sa labi ko!" pagrereklamo niya na naman.
"Nude ang tawag d'yan, anong light pink?" natatawa kong sabi.
Umiling siya, "ah basta! H'wag na ako, si Tyron naman! Tutal model naman siya." aniya. Pagkatapos ay tumakbo siya agad kanila Lucas na nakatingin lang sa amin sa malayo.
Nginitian ko si Tyron na nakabusangot sa akin. Tinignan niya 'yong hawak ko na lipstick. Tinignan ko rin siya. Hinihintay ko ang go sign niya, maggo-go rin naman siya pero hinihintay ko pa rin para hindi nila isipin na pinipilit ko sila kahit pinipilit ko naman talaga sila.
E, sayang kasi 'yong nalagay kong tint sa labi ko, long-lasting kaya hindi ko matanggal-tanggal. Sa kanila ko na lang tuloy tine-test mga lip products.
Nagbuntong-hininga siya at saka umirap. "Sige na."
Ngumiti ako. Kumuha muna ako ng tissue sa tabi ng mga testers at saka pinunasan nang dahan-dahan ang tuktok ng lipstick. E, malay ko ba kung sino huling gumamit neto. Pagkatapos ay naglagay na ako sa hinliliit ko at saka nilagay sa labi ni Tyron.
Hmm, okay lang. Pero sa tingin ko hindi pa rin bagay sa akin 'to. Umiling ako sa kanya.
"Hindi, e." komento ko sa labi niya.
"Hindi? So, nilagyan mo lang talaga ako ng lipstick?" tanong niya.
Tumawa ako. "Tinest ko kaso pangit, e." sagot ko.
Ngumiti siya sa akin at saka umirap. "Alam mo, Aika, hindi naman sa ayaw ko nang sumama kapag nagsha-shopping ka pero parang ganon nga."
Tumawa ako at saka nagpatuloy ulit sa paghahanap.
MATAPOS namin humanap ng lipstick, nag-aya sila Aeraun na magkape kaya nakatambay kami ngayon sa Starbucks.
Nakaupo kami ngayon nila Joaquin sa table na katabi ng bintana. Tinignan ko ang lipstick na pinamili ko. I ended up buying Joaquin's choice, maganda kasi. Binigay niya sa akin 'to kanina, hindi ko nakita kasi nasa pinakadulu-duluhan pa. Buti nga at nakita niya.
"Here's your order, ma'am and sir."
Tumawa ako. Kinuha ko kay Lucas 'yong mga kape namin at saka hinayaan siyang umupo sa tabi ko. Nilibre niya ako ngayon ng kape.
"So where are we heading next?" tanong ni Aeraun.
I shrugged. Busy sa cellphone si Kerght at Tyron, hindi ko alam kung anong pinagdidiskitahan nila doon na nagkumpulan silang dalawa sa gilid ni Joaquin. Si Joaquin naman ay kumakain ng pizza bread.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Novela JuvenilCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...