Chapter 18

100 2 0
                                    

Aika Salvador's Point of View.

"Salvdor, bring this to Miss Emiely's office at pakikanaw ako ng kape." ani Miss Angelica nang hindi man lang ako tinitignan. Masyado siyang busy sa pagta-type ng reports. Tumango ako kahit alam kong hindi niya makikita 'yon.

Pagkatapos  kong i-compile 'yong mga case papers na pina-compile niya sa akin ay kinuha ko naman ang mga papers na pinalalagay niya sa office ni Miss Emiely. 

"Make it extra sweet, please!" pahabol niya pa. Nginitian ko siya sa glass window.

Ganito lang ang ginagawa ko araw-araw. Buti nga at hindi ako pinag-iinitan dito, kahit kasi utusan lang ako ay nakakatanggap pa  rin ako ng parehas na amount sa mga totoong prosecutor dito. Mamaya ay makukuha ko ang una kong sweldo kaya nga niyaya ko sila Lucas lumabas.

Plano ko pumunta sa simbahan. I don't know. I'm not religious. I don't pray everyday. Hindi ko rin masyado pinagtutuunan ng pansin ang mga naririnig ko na sinasabi raw sa Bible. Malayo ako sa Diyos pero for some reason, gusto kong magpasalamat. Sunday rin naman ngayon, maganda kung magsisimba ako kasama ang mga kaibigan ko.

Naramdaman ko ang pag-angat ng sulok ng labi ko. I'm happy. My heart is happy. Ang sakit pala ng nakaraan ko, nabubuhay ako sa sinasabi ng tao sa akin at hindi sa sinasabi ng puso ko, kaya siguro ako nahihirapan. I closed myself to the world. Akala ko kasi ang sama-sama ko para sa mundo, not knowing that the world itself is what's scary... at the same time, na may mga tao na tutulungan ako sa mga  pagdadaanan ko.

Funny how it has to be done in a hard way para lang matauhan ako. It's fine, at least I'm finally loving myself. Thanks to those guys who never left me, hindi ako nahirapan magsimula ulit.

Pagkatapos ihatid sa office ni Miss Emiely ang mga papel ay itinimpla ko nga ng kape si Miss Angelica, at pagkatapos naman non ay inilapag ko 'to sa table niya. 

"12pm na pala, you can go home na." aniya nang hindi pa rin ako tinitignan. 

"Hindi niyo na po ba ako kailangan dito?"

Saglit niya akong tinignan at nginiwian, "kailangan pa pero ayaw ko naman na mapagalitan ni Miss Arriana kaya sige na. Kaya ko rin naman maghatid ng mga papers, 'no!"

Natawa ako. "Sige po, mauuna na po ako. Thank you po."

Sumigaw pa siya na mag-ingat ako kaya nginitian ko pa ulit siya sa salamin. 

Dumiretso ako sa apartment at kumain muna ng chicken wings na natira kagabi. Hindi nila kinain 'to bago umalis? Tinabi pa nila sa refrigerator. Mabilis lang ang pagkain ko dahil ang sabi ko ay 4pm kami aalis kaya panigurado bago mag-alas-kwatro ay nandito na sila. 2:30pm na nang matapos ako. Gustuhin ko man matulog muna dahil napuyat ako kagabi ay naligo na lang ako. 

Nagsuot ako ng puting flounced short-sleeved na wrap-up dress. Below the knee siya at pinaresan ko ng flat-heeled ruffle round toe sandals. Pagkatapos mag-ayos ay tinext ko si Tyron na sa Gemimor Park malapit sa Gravendelle na lang kami magkita. Pupunta kasi muna kasi ako sa bangko para kuhain ang sweldo ko.





"AIKA!" 

Nginitian ko agad sila Kerght. Lumapit sila sa akin at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. 

"Woah, nakaayos ka ata ngayon, Aika?" bati ni Tyron.

"The dress suits your body well." sabi naman ni Joaquin habang ang tatlo ay nakangiti lang sa akin. Nginitian ko lang din silang lima.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Aerraun. Nauuna akong maglakad sa kanila kasabay si Tyron. Tumigil ako sa paglalakad at saka humarap sa apat nang nakangiti.

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon