That's Lino Hernandez (left) and Tyron Cervantes (right) on the media above!
Kidding, you have the right to imagine my characters with your own preferred portrayers.
--
Pagkalabas ko ng apartment ay bumungad agad sa akin ang motor ni Joaquin. Nakatalikod siya sa akin at mukhang may ginagawa sa phone. Lumakad ako papalapit sa kanya at saka kinalabit ang balikat niya. Bahagya pa siyang nagulat at humarap sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at saka ngumuso sa motor niya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit dala mo motor mo?" tanong ko.
Kumamot siya sa batok at saka nag-abot sa akin ng helmet. "Sorry, a friend borrowed my car. I only brought this." sagot niya.
"Ang ibigsabihin ko, bakit ka nandito kasama ang motor mo?" natatawa kong sagot. Wala namang problema sa akin 'yan at kung saan niya ako isakay. Kahit nga mag-commute lang ako, e, ayos lang. Siya lang naman 'tong ayaw na gumamit ng motor.
"Isn't that obvious enough? Or you just want to hear it from me?" aniya bago ang isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa bibig niya.
I chuckled. Sinuot ko na ang helmet at saka sumakay sa motor niya habang inaalalayan niya ako. Hindi ko alam bakit ginagawa 'to ni Joaquin, sinusundo ako at saka hinahatid. He's extra sweeter than the four guys, not that I'm complaining, but it's just strange. Ayaw ko sana mag-assume, after all, we're bestfriends.
Tahimik lang ang byahe namin papuntang Gravendelle. Pagkarating namin sa parking ay nakita ko pa na bumaba rin si Aeraun. Mukhang kakarating lang din.
"Good morning!" bati ko sa kanya pagkababa ko. Kumaway siya sa akin at saka sandali akong niyakap.
"Good morning, Aika... and Quin." at saka siya humagikgik. Nagpaalam siya agad na aalis dahil pinapatawag daw ang representative every department ng student council.
Sabay ulit kaming pumasok ni Joaquin sa building. Kasabay ko pa rin siya hanggang sa makarating kami sa room ko.
"Let's eat lunch together," aniya. Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "with the boys." pagpapatuloy niya.
Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. "Oo naman, sige na, una ka na. Hindi ko namalayan nandito na tayo sa room ko, nahatid mo pa tuloy ako nang wala sa oras."
He smirked, "It's not like it was not on my plan to walk you to your room though." sinabi niya.
Umiling na lang ako at saka tinapik ang balikat niya. "Ingat, see you later!"
Pagkatapos non ay pumasok na ako sa room. Nakita ko ang dati kong inuupuan, nandoon na rin si Narumi na nakaharap sa phone niya.
"Hey, Aika!" kinawayan ako ni Kerght at saka tinuro ang tabing upuan niya na bakante. Nginitian ko siya at saka naglakad papalapit doon.
Naupo nga ako sa tabi niya. "Ikaw ah, may nakita ako." panimula niya.
Hay nako, wala man lang bang 'good morning' dyan? Hahaha.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Bakit ka hinatid ni Quin dito, ha?" tanong niya pabalik. Sandali ko siyang tinitigan bago ako umirap.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...