Chapter 12

111 2 0
                                    

Ngiwi kong pinagmasdan ang nakabulagtang si Joaquin. Bakit ba kasi siya nag-aya ng inuman na light drinker lang pala siya? Hays.

"As the student council's president--" hindi na natapos ni Lucas ang sasabihin niya nang salpakan ni Kerght ng chicharon ang bibig niya.

"As the law department'sh represhentative.. I command you to shut your damn mouth!" sabi naman ni Aeraun. May pagturo pa ang lasing habang hindi na maidilat ang mata.

They became so chaotic and uncontrollable.

"Nasaan si Tyron?" tanong ko sa nag-iisang matino.

"He's probably upstairs. Gano'n 'yon kapag lasing, e; mawawala na lang bigla tapos malalaman mo tulog na pala sa kwarto." sagot ni Kerght.

Tumango-tango lang ako. Medyo nahihilo na rin ako sa dami ng nainom ko. Pero, kaunti pa rin 'to compare sa nainom ng lima kaya matino pa rin ako kahit papaano. Lahat kami dito light drinker lang maliban na lang kay Kerght na kanina pa tungga nang tungga pero buhay pa rin.

"Gry, close your eyes. The disaster is about to happen." sabi ni Kerght.

Ayon nga lang, umi-English siya nang mas madalas kapag nakakainom. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong disaster?

"Ew, Luc! Damn!" hiyaw ni Aeraun nang masukahan siya ni Lucas.

"Sabi ko close your eyes, e. Nakakadiri, 'di ba?" sabi ni Kerght.

Mabilis akong tumakbo kay Joaquin nang halos maabot na siya ng suka ni Lucas.

"Hmm, no. Nahihilo ako." ani Joaquin.

Nagta-tagalog naman siya kapag nakainom, ganon? Ayos ha. Dali-dali ko siyang inupo sa sofa dahil wala na akong oras para indahin ang hilo at gulat ko.

"Ako na bahala dito sa dalawa, Gry. Magpahinga ka na." rinig kong sabi ni Kerght.

Nilingon ko siya at nakitang nililinis ang sahig habang mapayapa nang natutulog ang dalawa. Hindi naman ata pwede na hindi ko siya tulungan... Hays. Nagsimula akong magpulot ng mga bote ng beer at chichirya habang nagma-mop at nagkukuskos naman si Kerght.

"Paano sila Lucas?" tanong ko.

"I'll dress them up later." matipid na sagot ni Kerght. Nahihilo na rin ata siya, sa dinami ba naman ng nainom niya.

"You'll dress them up?" tanong ko ulit. Naramdaman kong umikot nang bahagya ang paligid ko.

"Yep. It's normal already. We even took bath together." sagot naman niya.

Pagkatapos ko itapon sa basurahan ang mga kalat ay naupo ako sa tabi ng natutulog na si Joaquin.

"Ew.." bulong ko habang nakapikit na ang mga mata ko. Nahihilo ako. Lasing na rin ata ako. Sana lang hindi rin ako magkalat katulad nila Lucas..



Kinabukasan ay nagising ako sa sakit ng ulo na nararamdaman ko. Ugh. Tila bibiyakin na ang ulo ko sa sakit!

Naupo ako at naramdaman na umikot ang paligid ko. Napasapo ako sa noo ko at ininda ang sakit. Grr. Hindi na talaga ako iinom, ever!

Matapos ang ilang segundong nakapikit ay medyo nawala na ang hilo ko pero masakit pa rin ang ulo ko. Iniangat ko ang tingin ko at nakita si Joaquin na nakaupo sa dulo ng kama. Nakatingin siya sa akin at nakangiting umiling.

"Headache? The medicine's over there." aniya at saka tinuro sa akin ang gamot at isang baso ng tubig sa tabi ng kama.

Ininom ko agad ito at saka bumaling sa kanya. Hindi ko napansin na tumayo na pala siya at ngayon ay nasa harapan na siya ng pintuan.

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon