"Grabe, excited na ako!"
"Let's take lots of pictures there, bes, ha?"
"Oh! Em! Gee! I'm so excited! Buti nalang pinayagan ako ni mommy!"
Tahimik lang akong naglalakad papunta sa isang tao. Diretso lang ang lakad ko at hindi pinapansin ang naririnig kong excitement sa mga estudyanteng nadadaanan ko. 'Yong iba pa ay may dalang camera at 'yong iba naman ay tila lumayas na sa laki ng bag na dala. Ako? Wala. Sarili ko lang ang dala ko. Hindi rin nga ako nakabihis, hoodie at shorts lang ang suot ko.
"Excuse me," at doon ay humarap sa akin ang taong pinunta ko dito sa university. Naka-polo at jeans lang siya pero napakapresentable pa rin niya tignan, halatang may katungkulan sa school kung tumayo. Kasama niya ang mga kaibigan niyang walang palya sa panggugulat tuwing makikipag-usap sa akin.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas pa ng kilay bago nagsalita,
"What are you wearing? Where are your bags? Gusto mo ba talagang mag-remedial?" aniya at bakas sa boses at tono ng pananalita niya ang inis niya.
Bahagya kong sinadya na ibagsak ang balikat ko at saka hinawakan ang batok ko. "Masama pakiramdam ko." sagot ko sabay pikit nang mariin.
Ayaw ko talaga sumama at kung para doon ay kailangan ko maging artista, walang problema 'yon, mas madali pa ngang umarte na may sakit kaysa sa magkunwaring masaya sa mga kasama mo, e.
Lumapit sa akin si Joaquin at nilahad ang kamay sa noo ko. Wala naman talaga akong sakit, e pero alam kong gagawin nila 'yan kaya naghanda na ako para dito.
"Yeah... I guess she's really sick." ani Joaquin habang napapailing-iling pa. Sumunod-sunod na ang paghipo sa noo ko ng magkakaibigan. 'Yong totoo?
Huling humipo sa noo at leeg ko ang pinunta ko dito, si Lucas. Hindi naman kasi ako mapalagay sa sinasabi niyang remedial sa subject ni Mr. Valenciano, e! Kaya hindi ako pwedeng hindi pumunta nang walang pasabi sa kanya. Ayos nga, e, sa kanya nagpapaalam ako sa personal samantalang kay Mr. Valenciano, sa text pa lang ay umapruba na. Hay!
"So you'd have to take remedial."
"Bakit naman? It's not like ginusto ko magkasakit." kunwari pang malungkot na tugon ko.
Naningkit muna ang mata niya at saka umiling.
"Hayaan mo na, Mr. President! Grabe ka naman kung papasamahin mo pa siya kung may sakit 'di ba?" singit ni Kerght na inaprubahan ng mga kaibigan niya.
I smirked inside my head. Well, paano ba 'yan, Lucas? Nasa akin ang panig ng mga kaibigan mo?
"Still." matigas na tugon niya pa.
Kailangan kong ipaalala sa sarili ko na may sakit ako dahil kung hindi, baka matadyakan ko 'to nang wala sa oras. Napaka-attitude naman neto kung hindi pa rin ako papalagpasin kahit may sakit na ako? Hmp!
"Please?" ugh! Ayos siya, ha.
"Fine." Hay salamat! "But you have to take special project, nasabi ba 'yon sa'yo ni Mr. Valenciano?" tanong niya.
Okay na, e, may 'but' nga lang... Pero ayos na 'yon at least hindi ako sasama sa camping. Hindi ko pa rin kasi nakakausap si Narumi, though nakikita ko siya at tanging ngisi lang ang binibigay niya sa akin.
"Oo." sagot ko. May nasabi naman na talaga si Mr. Valenciano na mags-special project daw ako dahil hindi ako makakasama.
"Great. Sa akin manggagaling ang special project mo at hindi ko masasabing dadalian ko 'yon." pagbabanta niya. Nananakot ba siya? Kahit isang linggong community service pa 'yan, ayos lang sa akin basta hindi ako sasama sa camping.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Fiksi RemajaCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...