Mark Tyron Cervantes' Point of View.
"So the finals are coming. Gaya ng dating nakasanayan, student council should set an event again for the graduates before the graduation. Also, before the academic year 2019 to 2020 ends, we should plan the academic year 2020 to 2021 for the senior high school students. Any suggestions?" tanong ng principal.
"How about you, Mr. Cervantes?"
Kamusta na kaya si Aika? Tae kasi, dapat hindi na talaga ako um-attend dito, e. Buset! Panigurado masakit ang ulo noon pagkagising niya. Siguro tanong 'yon nang tanong kay Quin. E, kaso naman, galit nga pala sa kanya 'yong lalaking 'yon... Siguro naman hindi niya matitiis si Aika.
"Mr. Cervantes?"
Bakit ba kasi sinabi netong tukmol na Aeraun na 'to kay Aika agad, e. May pasabi-sabi pa siya ng, 'I don't think it should come from me' dyan tapos sasabihin niya rin naman. Tapos, tuloy-tuloy pa raw! Jusme. Ni hindi niya man lang naisip na hindi agad 'yon kaya tanggapin ni Aika lahat sa iisang bagsakan!
"Mr. Cervantes!"
"Ay, Aika!"
Mabilis kong pinulot ang ballpen na nahulog ko. Bakit ba sila nanggugulat? Nananahimik ako dito, e.
"Sorry," sabi ko at bahagyang nginitian ang principal.
Inayos niya ang salamin niya at saka umiling. Naramdaman ko naman ang pagsipa ng taong nasa harapan ko sa paa ko.
"Focus!" bulong ni Lucas.
Focus, amp. Paano ako makakapag-focus kung ganito naman ang nangyayari? Buset!
"Any suggestions for the events that will be held before the academic year ends?" may diin na tanong sa akin ng adviser namin sa student council.
"Uhh,"
"Why don't we invite big companies that can hire fresh graduates? I mean, 'di ba, so that before the graduates graduate and leave the school, they have the assurance that what they study will not go in vain. After all, the tuition here is... quite expensive." singit ni Aeraun.
Tumango na lang ako. May strategic way of thinking din naman ako, hindi lang gumagana ngayon. Si Aika kasi, e.
Matapos ang meeting ng student council ay isa-isa nang nag-alisan ang mga tao. As usual, nagpaiwan ulit kaming tatlo at tumambay. May mga klase kami, talagang ayaw lang namin pumasok. Oo na, cutting na kami, ngayon lang naman at saka importante naman ang dahilan, e — si Aika.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang isa pang tukmol na si Kerght. Naupo agad siya sa pwesto niya. Saan? Sa inuupuan ng principal kapag may meeting kami, assuming, e, 'no? Pft.
"So, ano na plano?" panimula ko.
Nagtitigan lang ang tatlo bago sabay-sabay na nagkibit-balikat. Hays. Kahit din naman ako, wala akong maisip na dapat gawin. Nag-aalala ako. Sa tingin ko, ang kailangan lang ni Aika ngayon, pahinga at comfort.
"Why did we left Aika with Joaquin again? Nawala sa isip ko na galit pala si Joaquin sa kanya." ani Lucas.
"Hmm? Hindi rin. Si Joaquin kasi ang pinakakalmado sa atin, at saka, ngayon pa ba niya paiiralin ang selos niya? Sa tingin ko naman hindi." sagot ni Kerght.
Naks, nakakausap na ulit siya nang maayos. Hehe.
"I should have not said that.. this is all my fault." narinig kong bulong ni Aeraun.
Kinuha ko ang papel sa harapan ko at saka nilukot ito bago ibato sa kanya.
"Baliw! Hayaan mo na, tapos na, e. Walang use 'yang paninisi mo sa sarili mo." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...