Mabilis lumipas ang mga araw. Siguro ay dahil na rin sa pasahan na ng requirements kaya parang hapit na hapit ang huling linggo ng school year. April na ngayon at wala na kaming pasok. It has been a week since the school year ended.
Sa linggo na lumipas, araw-araw nakikitambay sila Lucas sa apartment ko. Umuuwi lang sila kapag papasok na ako sa trabaho. Kapag naman day-off ko, nakikitulog sila.
Day-off ko ngayon at lahat kami ay nakatutok lang sa cellphone namin. Nasa kwarto ko kami nakatambay. Si Lucas at Tyron ay magkatabi sa couch, nasa baba nila nakaupo si Kerght. Si Aeraun at Joaquin naman ay katabi ko dito sa kama. Walang nagsasalita, tanging 'yong tunog lang na pinapatugtog ni Tyron ang nag-iingay.
Nag-scroll muna ako sa Facebook ko. In-add pala ako ni Lino. Speaking of Lino, bago matapos ang school year ay nagpasalamat ako sa kanya. His hug, it really made me feel better. I need that. And also, he's a nice person. Nag-sorry rin ako sa kanya and he told me that it was fine. He told me I reminded him of his little sister na nag-commit ng suicide dahil din sa depression. Kaya siguro ganon na lang din niya ako pakisamahan.
Hindi man siya kasali sa circle namin, minsan kasabay namin siya kumain kada break time, ayaw niya raw sumama sa circle of friends namin, okay na raw siya sa close lang namin siya. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan na lang namin.
In-accept ko siya at nag-scroll na ulit sa Facebook. Napadaan ako sa isang post na mga magagandang hairstyle para sa mga lalaking may medium to long hair. Napatingin naman ako agad kay Tyron. Medyo mahaba na ang buhok niya. Pinanood ko 'yong video, kailangan pala ng iron o kaya hair curler at hair spray para magawa 'yong look. Feeling ko bagay siya kay Tyron at Lucas, si Lucas kasi medyo kulot ang buhok at mahaba na rin nang slight.
Tumayo ako at saka nagpunta sa cabinet ko.
"Where you going?" rinig kong tanong ni Joaquin sa akin.
"May hinahanap lang." sagot ko. Alam ko may hair iron ako rito, e.
Nang makita ko na ang hair iron ay lumapit ako kay Tyron. Saglit siyang tumingin sa akin tapos sa kamay ko at saka tumingin ulit sa akin.
"Ano na namang binabalak mo?"
Tumawa ako. "May napanood ako sa Facebook, gusto ko subukan. Feeling ko naman bagay sa'yo 'yon, e."
Nagbuntong-hininga muna siya bago tumayo. Narinig ko pang tumawa si Lucas kaya humarap ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa? Kasama ka rin. Tara."
At doon tumigil ang tawa niya. "Aika, no. Ayoko." may pag-iling niya pang sagot.
Ngumuso ako at saka tumango. Hmm? Okay. Alam ko namang mamaya papayag na siya. Hahaha.
Sinaksak ko ang hair iron habang si Tyron naman ay naupo sa lapag. Nagse-cellphone na ulit siya. Lumapit sa amin si Aeraun at saka nagtanong,
"May I see what look are you trying with Ty, Aika?"
Tumango ako at saka inabot sa kanya 'yong phone ko. Pinakita niya 'yon kay Tyron.
"Not bad, dude. You always style your hair like this when you have shoots."
"Oo na, oo na."
Sinimulan ko nang i-style ang buhok ni Tyron. Mamaya-maya pa ay nanonood na ang apat sa ginagawa ko. Pagkatapos ni Tyron ay tumingin ako kay Lucas at saka ngumiti.
"You're only doing that once, 'kay?" at saka siya umupo sa inupuan ni Tyron. Si Tyron naman ay hinila si Aeraun para magpa-picture. Kunwari pang ayaw, gusto rin naman.
Kinulot ko rin ang buhok ni Lucas.
"I kinda want to bleach my hair, what do you think?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...