Chapter 9

125 2 0
                                    

Kerght Dela Cuesta's Point of View.

"Oh. Bakit ka nandito?" bungad sa akin ng president ng student council habang masarap ang higa sa damuhan.

Tumakbo ako papunta sa kanila at dinaganan siya. "Dude, what the-- hindi ako makahinga." reklamo niya kaya umalis din ako. Naupo na lang ako sa tabi ng representative ng department namin na nagbabasa ng libro. Ew, books. Ew, studying. Ugh!

"Bakit ka nga nandito, ha? Shouldn't you be on the hall? 'Di ba may meeting ang debate club?" tanong ulit sa akin ni Lucas.

Nagbuntong hininga muna ako bago sumagot, "Tinatamad ako." sabi ko nang walang gana ang mahahanap sa boses. Totoo naman, tinatamad talaga ako at saka...

"Sus, miss mo lang ako, e. Ikaw, ha! Clingy ka." singit ni Tyron. Haluh. Hindi ko nga siya napansin, e. Assuming! Baklang bakla talaga 'to sa akin, talagang hindi lang kami nagkakalayo sa itsura neto kaya mahaba pasensya ko rito, e.

"Babe naman, shh ka lang." sakay ko na lang. Kadiri talaga 'tong Tyron na 'to. Dapat talaga ako naging model, e. Kulang lang naman ng isang ligo at shampoo 'to sa akin. Hmp!

"You guys are so gay." nakangiwing saad ng englisherong dean's lister. Tss. Ako pa? Sa gwapo kong ito? Anak ng.

Tanging tawa at pangingisay lang ang tinugon ng baklang model na katabi ko. Nagbuntong hininga ulit ako at saka pinikit na lang ang mga mata ko. Sumandal ako sa natitirang matino (for the mean time lang) naming kaibigan na si Aeraun. Ganyan 'yan, e. Tumatahimik kapag nagsimula nang magbasa ng libro, parang nasa sariling mundo na.

"Hi, Tyron." narinig kong salita ng boses babae. Tss. Lagi na lang si Tyron! Nandito naman ako, tignan niyo, ang gwapo gwapo ko tapos naka-focus kayo sa malanding 'yan, ha? Psh.

"Hello." ngumiwi ako nang sumagot 'tong katabi ko. Ang sarap tadyakan amp. Wala lang, inggit lang ako at may nagkakagusto sa kanya. Hmp!

"Um, pwede ka ba mamaya? Kashe ene eh.."

Iminulat ko ang mata ko at tinignan ang babae-- bakla pala! Anak ng. Tinago pa niya ang imaginary hair niya sa likod ng tainga niya. Anak ng tupa, mabubulag ata ako sa nakikita ko ngayon.

"Sorry, may gagawin kasi ako." sagot ng kaibigan ko, as usual. Nanlumo naman ang bakla sa harapan namin at saka nagpaalam na umalis.

"Ayaw mo magka-lovelife?" napatingin ako nang mabilis kay Raun nang bigla siyang magsalita. Parang kanina lang wala siyang pake, ha? May gusto ba siya doon sa bading?

"Ayoko." maikling sagot naman ng isa. Ganyan nga siya, napakarami nang magagandang babae at model ang lumalapit sa kanya pero ayaw niya talaga. Lagi na lang sagot niya ay, 'bawal ako', 'di ako pwede', o kaya 'may gagawin ako mamaya'. Kung ako 'yan, may girlfriend na ako ngayon. Hay!

"Why, dude?" tanong ni Quin.

Nagkibit-balikat lang ang katabi ko at saka sumandal na ulit sa puno. "Wala lang. Tinatamad ako." sagot niya.

Sana all tinatamad lang magkaroon ng girlfriend!

"Ah. How's Aika again?" tanong ni Lucas na nagpatigil naman sa mga naiisip ko. Tinatawag namin si Gry ng Aika kapag kami-kami lang dahil... Aika naman talaga ang pangalan niya.

Kung kanina ay nakay Ty ang tingin naming lahat, ngayon naman ay nalipat na sa akin ang tingin nila. Ako kasi ang kaklase ni Aika kaya sa akin sila ngayon humihingi ng update.

"Uh.." kinagat ko ang labi ko. Putek. Ikukwento ko na ba agad sa kanila? Dito? Ngayon na? Sure na 'yan? Paano ko ba sisimulan?

"Why? May nangyari?" tanong ni Raun. Nakita ko pa ang pagsara niya ng libro. Nakaka-pressure, ha! Piste.

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon