Chapter 24

103 3 0
                                    

"Breakfast na,"

Sinamaan ko ng tingin si Tyron. Ginising niya kasi ako para sabihing mag-aalmusal na raw. E, kakaalmusal lang namin bago kami makarating dito sa hotel, ah?

"Hindi ka ba gutom?" tanong niya.

Umiling lang ako at saka nagtalukbong para matulog na ulit nang maramdaman kong umuga ang kama. May tumabi sa akin.

"Same, matutulog na nga lang din muna ako." si Tyron pala. Hindi ko na siya sinagot at pumikit na. Habang inaantok pa ako, kailangan ko na agad makabalik sa pagkakatulog dahil mahihirapan na naman ako kapag nawala 'to.

And just when I was about to doze off to sleep, may kumalabit na naman sa akin. I'm pretty sure it's not Tyron, hindi ko naman siya naramamdan na gumalaw.

"Hmm?" sagot ko.

"Get up and get ready."

Tinanggal ko ang comforter sa mukha ko at tinignan si Joaquin. May bacon pa siya sa gilid ng labi. Kumain siguro 'to.

"Why?" tanong ko.

"You have swimwear with you? We're swimming." aniya. Doon nanlaki ang mga mata ko. Mags-swimming kami? Yay!

Mabilis ko siyang tinanguan. Nginitian niya ako at saka ginulo ang buhok ko bago lumingon kay Tyron at gisingin din 'yon.

"Go back to your room, Ty," aniya at saka humarap sa akin. "And you get ready too, alright?"

Nakangiti akong tumango. Excited na ako pero inaantok pa rin ako... Pero hayaan na! Excited na ako mag-swimming!

Pagkalabas ni Ty ay mabilisan akong naligo. Sinuot ko ang one-piece ko at saka pinatungan ng oversized shirt. Kinuha ko rin ang maliit na bag ko at saka nilagay doon ang sunscreen at phone. Magdala ba ako ng towel?

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Lucas.

"Hey, good morning." bati niya.

"Good morning!" masaya ko rin na bati sa kanya. Napatingin siya sa bag ko.

"What are you bringing with you?"

"Just sunscreen and my phone... also my wallet." at saka nilagay ko ang wallet ko sa bag.

Ah, right. "Magdadala ba ako ng towel?" tanong ko.

"Yeah, you should. And extra clothes? The pool is at the highest floor. We don't wanna flood the hallway, right?" natatawa niyang sagot.

"Okay!"

Hinintay pa ako ni Lucas kaya sabay na kaming lumabas sa kwarto. Nauna na raw ang boys doon sa pool dahil nag-aya na agad si Kerght. Syempre, si Kerght 'yan, e. Hahaha!

Pagdating namin doon ay nakalublob na sa pool si Kerght at Joaquin. Si Aeraun at Tyron naman ay... As usual, nagpo-photoshoot. Hinila ako ni Lucas papunta kay Tyron na seryosong-seryoso sa pagpo-pose. Sumingit kami sa picture. Ngumiti na lang din ako day wala na rin namang magagawa si Tyron. Pft.

"Hoy, mga walang'ya kayo, sali kami!" nagmadaling umalis si Kerght sa pool. Pagkarating niya ay pinatay ni Aeraun ang camera.

"Okay, tapos na. Let's go swim na--"

"Walang'ya! Hoy, sali rin ako! Ang daya mo naman, e!" pagmamaktol niya.

Nagtawanan kami bago kami picture-an ulit ni Aeraun. Mabuti nga at may isang staff na nag-volunteer na picture-an kami kaya nakasama sa amin si Aeraun.

Pagkatapos nun ay lumublob na ulit sila sa pool. Naiwan kami ni Aeraun dahil binalik niya sa bag ang camera, baka raw kasi mabasa.

"Let's go?" tanong niya sa akin.

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon