𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞.
"Alexis, where's your mom? Ano nangyari? Why aren't you answering?! What happened to your mom? What have you done?!"
"What have you done to my sister, Alexis! Hinayaan mo lang magahasa ang 'yong ina sa harapan mo? Ni hindi ka man lang humingi ng tulong! Dapat talaga hinayaan ko nalang si Christine na ilaglag ka noong nasa sinapupunan ka pa lamang niya!"
"Condolences, Alexis. I heard your dad got shot while he was trying to save you from the abductors. It's not your fault,"
"Mayor Salvador has died due to number of gunshots he received while trying to save his fourteen year-old daughter from the abductors that used her to make the mayor step down from his place. The police are still investigating the said incident."
"Where's Yanna? You... You killed Yanna. Yanna died because of you! You're a selfish monster!"
"Nabalitaan mo ba? Yanna Cruz committed suicide in front of Alexis Gryleath, yet hindi niya pinigilan."
"Eh 'di ba magkaibigan sila? So all this time peke lang ang pinapakita no'ng isa kay Yanna?"
"Tama na!" Napaupo ako mula sa pagkahiga. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Bakit... Bakit ba lagi nalang ako minumulto ng nakaraan? Hindi pa ba sapat ang konsensya na kinakaharap ko araw-araw na pati sa pagtulog ko kailangan nila akong bangungutin? Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat! Why can't this conscience just leave me even just for a day?
Tinignan ko ang orasan na nakapatong sa tabi ng kama ko. Alas syete na pala ng umaga. Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas sa hotel room na tinuluyan ko kagabi pagbalik ko dito sa Pilipinas. Nakalugar ito nang hindi kalayuan sa isang parke na mayroong malaking bahagi sa buhay ko, kung saan ako tutungo ngayong umaga.
Pumara ako ng isang taxi papunta sa Gemimor Park malapit sa Gravendelle University, kung saan ako nagkolehiyo.
"Salamat po," sabay abot ko ng bayad sa driver ng taxi.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang mabilis akong bumaba sa sasakyan para masilayan ang lugar kung saan maraming masasayang pangyayari ang naganap noong ako ay kolehiyo pa.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Dalawang taon... Dalawang taon na pala ang nakalipas magmula nang umalis ako sa Pilipinas nang walang paalam sa mga taong alam kong masasaktan ko sa oras na umalis ako at dalawang taon na rin nang huli ko itong masilayan. It's a selfish thing, I know. Maybe I'm just that selfish.
Naglakad ako palapit sa nag-iisang bench na walang tao. Karamihan sa mga nandito ay mga estudyante ng Gravendelle University o 'di kaya ay mga magkasintahan. Nakakainggit. Namimiss ko na 'yong mga panahong kami ng mga kaibigan ko ang nandito, kami ang masaya at kami ang nagtatawanan.
Would I be able to make it up to them?
Would I be able to even just see them and explain my side?
"I'm thirsty. Hey, Tami! Do you know some coffee shops from around here?"
"AiKafe."
Napatingin ako sa mga kumpulan ng babae sa tabi ko. AiKafe? For the first few seconds, akala ko tinatawag nila ako. But, AiKa...Fe?
Wala sa sarili kong sinundan ang mga babae. The moment I stepped right inside the AiKafe, I frozed. 'Yong kanta...
"Ohmy! Look, ang cute ng pictures oh. Ohmy, again! Sino ang girl na 'to? She looks... err, fine. Pero look, girls! These guys are cute! Sila kaya ang owner?"
"I think so... But that girl, she looks familiar to me."
Nilapitan ko ang kinatatayuan nila kung saan nakasabit sa isang wire sa pader ang mga polaroid. Dahan-dahan kong tinitigan ang mga litrato at kung sino ang mga tao roon. That's... me... and them.
Mabilis akong tumakbo palabas ng coffee shop na ipinatayo pala ng mga kaibigan ko para sa akin. Pangako nila 'yon, at hindi ko nakita na gagawin nila 'yon. Iyong mga kanta na ipine-play sa lugar na 'yon, playlist ko iyon. 'Yong mga litrato, ako iyon kasama sila. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko.
Humawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko itong manikip. Natatakot ako. Paano kung sila naman ang mapahamak dahil sa akin? Deserve ko ba ito? Deserve ko ba sila?
"Tsk, tsk! Mga batang 'to, oo! Mga walang magawa sa buhay, nag-ukit pa sa puno." rinig kong sabi ng isang street sweeper. Napatingin ako sa punong sinasandalan ko kung saan siya nakatingin.
𝗝𝗼𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻 𝗭𝘆𝗹𝘃𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 × 𝗞𝗲𝗿𝗴𝗵𝘁 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗖𝘂𝗲𝘀𝘁𝗮
× ×
𝗔𝗶𝗸𝗮 𝗚𝗿𝘆𝗹𝗲𝗮𝘁𝗵 × 𝗔𝗲𝗿𝗮𝘂𝗻 𝗔𝘆𝗮𝗹𝗮
× ×
𝗟𝘂𝗰𝗮𝘀 𝗠𝗼𝗼𝗿𝗲 × 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗧𝘆𝗿𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀𝙁𝙊𝙍𝙀𝙑𝙀𝙍!!!
Mas lalong nanakit ang puso ko nang mapagtanto ko na hanggang ngayon, nakaukit pa rin sa punong ito ang pangakong alam ko sa sarili ko hindi ko magagawa o maibibigay sa kanila - to stay with them.
But, I tried hard. I am trying.
Does loving means staying and leaving means the feelings you had wasn't love at all?
Can I have a vote? 👉🏻👈🏻
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Genç KurguCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...