"Your attendance on the upcoming camping is required. Ayon na lamang ang ibibigay kong requirement sa subject niyo sa akin para naman bawas na sa stress niyo."
Patuloy ang pag-ulit ng boses ni Mr. Valenciano sa utak ko. Nakakainis! Kung kailan naman na desidido na akong hindi sumama, saka pa nangyari na ayon ang ni-require niya sa subject niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil wala siyang alam at kinalaman sa nangyari sa amin ng kaibigan ko pero... Hay!
"Aray!" napaupo ako sa sahig nang may makabangga sa akin. Naramdaman ko agad na nangirot ang balikat ko. Bakit ba kasi lutang akong naglalakad dito sa hallway ng school? Nako naman, Gry.
"Ay, sorry! Nasaktan ka ba?"
"Ay hindi. Nakiliti ako, kaya nga nag-aray ako, e."
Bahagya akong nagulat nang hinawakan ako nito sa kamay at saka tinulungan tumayo. "Hindi naman, salamat." sagot ko nang hindi man lang tinitignan ang mata ng lalaking nakabangga sa akin at saka naglakad na ulit.
"Ah, s-saglit!"
Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Dismissal na namin ngayon pagkatapos ng subject ni Mr. Valenciano sa amin pagkaraan ng vacant time namin. Sinulyapan ko ang relos ko at nakitang 3:45 na ng hapon. Mabuti pa at umuwi na agad ako, wala rin naman akong ganap dito sa school, e.
"Miss!" at may bigla na lang humila sa akin patalikod. Iyong lalaking nakabangga sa akin kanina. Pinagmasdan ko ang kasuotan niya, black jersey shirt and shorts na may blue lining ang suot niya tapos isang rubber shoes.
Ah, oo nga pala. May dumayo nga palang taga-ibang school dito sa Gravendelle para makipaglaban.
"Pwede mo ba ituro sa akin kung nasaan ang Med Department? Doon daw kasi ang court na paglalaruan namin, e. E, kaso napunta ako dito sa Architecture Department."
"Law Department 'to," pagtama ko sa kanya. "Lumabas ka dito tapos tunguhin mo 'yong kanang daan hanggang sa makita mo 'yong sign Frogoso Building of Med Department." pagsasalita ko pa.
Bahagya siyang napakamot sa batok at saka nagsalita ulit. "Pwede mo ba akong samahan? Hindi ko kasi talaga alam, e."
"Good afternoon, this is Lucas Moore. I am the student council's president. I assume you got lost on our university?"
Mushroom. Mushroom talaga ang mga kaibigan ni Joaquin. Bigla-bigla na lang talaga susulpot kung saan-saan!
"Ah, o-oo. Hahaha." sagot naman nung lalaki sa kanya. Tinignan ko lang ang reaksyon nung Lucas na kaibigan ni Joaquin. Kasama rin pala niya ang student assistant at model ng university namin na Tyron ata ang pangalan. Halata mo talaga sa kasuotan at pigura niya na model siya. Maliit ang mukha, medyo kulot ang buhok, maputi, singkit ang mata at saka mapula ang labi. Ang suot-suot niya ay isang over-sized graphic t-shirt at saka ripped jeans. Ang lakas ng dating niya, his look shouts.
"Great. Good thing we are roaming around the campus. By the way, this is Tyron Cervantes, the school's student assistant. Please follow him as he lead you to the respective court where the game will be held."
Mukhang dismayado pa ang mukha ng lalaki habang sumusunod kay Tyron Cervantes na bigla naman siyang inakbayan. Naririnig ko pa nang bahagya ang pangungulit nito sa kanya habang papalayo sila.
"Uy! Bakit ka naman napunta dito, dude? Hahahaha! Ang layo naman ng Memoir Building sa Frogoso Building." ani pa nito.
Nang marealize ko na nakatayo na lang ako ay nagsimula na akong maglakad.
"Going home? Aren't you gonna watch the game?" narinig kong salita nung Lucas Moore sa likuran ko. Parehas kami ng dadaanan dahil isa lang ang hagdan pababa ng building. Hay nako naman. Bakit kailangan ko na naman sila makita?
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Novela JuvenilCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...