"You ready?"
I smiled at Joaquin. Tumango ako sa kanya at saka siya niyakap.
"Naks, summa cum laude." tumawa ako.
Nginitian niya lang ako at saka mayabang na nagkibit-balikat. Tinawanan lang ulit siya ni Aeraun.
Magna cum laude si Aeraun. Summa cum laude si Joaquin. Kasama namin si Tyron kahit next year pa siya ga-graduate dahil may special mention din ang tatlo dahil officers sila ng student council. Ako? Pumasa.
Ayos na 'yon. Hmp. Hindi naman ako nage-aim ng kung ano. After all, hindi naman pataasan ng grades dito. It's all on application. O, 'di ba, natuto ako sa mga sinasabi ni Joaquin.
Nasa bahay kami ngayon ni Kerght. Inayusan ako nila Miss Arriana kanina. Nakakahiya nga, sarili kong boss sa trabaho, siya pa nag-make-up sa akin.
Nakangiti ko silang pinagmasdan. Si Tyron, inaayos niya necktie ni Lucas. Si Joaquin at Kerght, nagsasalamin. Si Aeraun..
"Aika, smile. One, two, three!"
"Patingin nga!" tumakbo agad ako kay Aeraun pagkakuha niya ng picture ko. Wow. It looks good. What can we expect though, it's Aeraun who captured that. Haha.
Nag-selfie naman kami nang paulit-ulit habang hinihintay 'yong apat na matapos. Hay. Masaya ako dahil tapos na ako sa isang step para maging lawyer.
Pagkatapos nito, kukuha pa kami ng PHILSAT, at mag-aaral ulit ng four years tapos bar exam naman. Ang hirap maging abogado. Good thing I have my friends, I have this passion, and I have my family... Tita and Tito. It still amazes me on how God moved into my heart that though it took a long time, I didn't find myself forcing to forgive them.
Mamaya ay pupunta sila Tita sa coliseum, kung saan magaganap 'yong graduation namin. Dadaan daw muna sila sa church.
Naupo muna ako sa couch. Busy na rin kasi si Aeraun sa pagkuha ng litrato.
"Next year, punta rin kayo sa paggraduate ko ha!" sabi pa ni Tyron.
Medyo malungkot pa siya na kesyo dapat daw law na lang din ang course niya at hindi architecture para sabay-sabay kaming ga-graduate at kukuha ng mga bar exams. Cute.
I suddenly felt dizzy. Bigla rin akong nilamig. Weird. Ganito ba ako kasaya ngayon? Hay. Hinayaan ko na lang. I rested my head on the couch and closed my eyes.
"Aika!"
"Hmm?" sagot ko.
Ugh. Sumama bigla ang pakiramdam ko. Not now, please. Graduation pa man din namin.
"Aika, are you fine?"
Hinampas ko nang mahina si Joaquin. Nahihilo na nga ako, e, tapos bigla pang umupo sa tabi ko. Nauga tuloy 'yong couch.
"H'wag ka magulo. Nahihilo ako." sagot ko nang hindi pa rin binubuksan ang mata ko.
Please, not now.
"Your nose is bleeding."
Saglit ko siyang tinignan. He looks so worried, all the five of them.
"What?"
Inangat ko ang kamay ko at nilagay iyon sa tapat ng ilong ko. I really am bleeding. Inabutan agad ako ni Kerght ng tissue.
Hinawakan ni Tyron ang noo ko pati na rin ang leeg ko. Guess he's checking my temperature.
"May lagnat ka," aniya.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay isa-isa na nila akong chineck. These guys... Mas sumasama pakiramdam ko sa ginagawa nila, e.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...