Chapter 27

78 2 0
                                    

Aika Salvador's Point of View.

"Ayoko na nga," nakabusangot kong sabi. Hmp. Sembreak na sembreak nag-aaral ako. Bakit ba kasi inusog pa 'yong summative namin after nito, imbes na nagpapahinga na lang ako, e.

"Silly, this is an easy one. You're just confused." sagot ni Lucas. Tumatawa pa siya samantalang ako hindi na magkandamayaw dahil gamit na gamit na utak ko. Sumasakit na naman ulo ko.

Ganito ba talaga kapag may kaibigan kang matalino? Hay. Lahat sila chill lang na nagbabasa ng libro, lalo na si Aeraun, gawain niya kasi, samantalang ako kailangan pa ng tutor kuno.

"Aika," at pumitik sa harap ko si Lucas. Nilingon ko siya. "Just analyze the law." aniya.

Inismiran ko ang libro. Do I have to do this? May trabaho naman na ako baka pwede na akong tumigil sa pag-aaral?

"Okay, I'll repeat the question. Why do you think this case didn't win kahit pinakasikat na lawyer na ang kinuha ng kliyente? Are they missing some parts?" tanong ni Lucas.

"Ewan ko dyan."

"Aika,"

"Hahahahahahaha." hindi namin pinansin ni Lucas ang Tyron na tumatawa na naman. Palibhasa matalino na sila, e. Hmp!

"Kabisado ko naman na 'yong mga republic act, e."

"That's not enough," Tinignan ko ang sumingit na si Joaquin. "What? You mean you're just gonna throw laws on your opponent? Not even analyzing on how you can win the case? What would you do if he throws back some to you as well? It's not a battle of how many republic acts you memorized, Aika." pagtuloy niya.

Nakita ko naman na tumango si Kerght habang may binabasa rin na libro. Nahiga na lang ako sahig. Ayaw makisama ng utak ko, e. Ano gagawin ko?

"I think you need to rest first," narinig kong sabi sa akin ni Aeraun.

"Dude, we haven't even finish one page-"

"Shush, pahinga raw muna ako." pagputol ko kay Lucas. Tumakbo na ako sa kwarto na tinulugan ko dati dito sa bahay ni Tyron at saka iniwan sila sa sala. Bahala na. May ilang araw pa naman ang sembreak, saka na lang ako mag-aaral. Hehe. 

Nakatulog nga talaga ako at nagising na lang ako nang maamoy ko ang nilulutong pagkain ni Kerght. Pagkatayo ko pa ay muntik pa akong mapasigaw dahil may pasa pala ako sa binti at sugat sa tiyan. 'Yong totoo? Magkaroon na ba ako? Hay.

Lumabas agad ako ng kwarto at pinuntahan sila sa kusina. Tanghali pa lang pala. Ibigsabihin, ang aga kong ginamit 'yong utak ko kanina... kaya siguro hindi gumagana.

Si Lucas ay may niluluto rin. Ilang putahe ba binabalak nilang lutuin? Anim lang naman kami dito. Si Tyron ay naglalagay ng yelo sa mga baso at saka ng softdrinks. Si Joaquin at Aeraun? Nakaupo lang.

Bahagya akong natawa nang maalala ko 'yong nagluto sila ng pancake na hindi mo maintindihan kung pagkain ba o ano. Hahahaha.

"Good mood ka na? Tara, aral na tayo," at saka tumayo si Aeraun. Sinimangutan ko siya. Tanghaling tapat, mag-aaral kami? "Hahaha, I'm just kidding." aniya at saka ako pinaupo sa tabi nila ni Joaquin.

"Adobo Ala Kerght." at saka proud na proud na nilapag ni Kerght 'yong niluluto niyang adobo. Natawa lang kami sa kalokohan niya.

"Kaldereta Ala Lucas, your honor."

"Your honor amp,"

"Your majesty pala!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Natawa rin ako nang mangisay na naman sa lapag si Tyron kakatawa. Hindi ko siya gets, bakit kailangan mangisay kapag tumatawa? Mas natatawa pa ako sa itsura niya kesa sa pagkakamali ni Lucas, e. Hahahahaha





Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon