COPYRIGHT © 2012 ~ October 19, 2012
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical without a written permission of the AUTHOR.
..............................................
"Ma wag po maawa kayo sa'kin," maluha-luha kong sabi. Hindi ako makapaniwala na gagawin nila 'to sa akin. Ako na kaisa-isang babae nila ay walang awang ipamimigay.
"Tumigil ka Synella Reene. Kailangan mong sumama sa kanila," pagalit na sabi ni mama habang ini-empake ang mga gamit ko.
"Ayoko po ma," sabi ko saka hinablot ang ilang piraso ng underwear ko. "Maglalason ako, magbibigti , magpapasagasa at tatalon sa 126th floor kung ipipilit niyong samama ako sa kanila" banta ko.
"Wag kang mag-alala pinabaunan na kita ng lason at lubid. Kung magpapasagasa ka dapat piliin mo 'yong sasakyan. Honey anong pangmayaman na sasakyan?"
"Limosine honey o kaya mercedez o BMW kahit ano na honey wag lang sa ten wheeler truck" sagot naman ng papa ko.
"Parents ko ba talaga kayo?" tanong kong hindi makapaniwala.
"Saka kung tatalon ka sa building dapat sa first class na hotel," dugtong pa niya.
"Waaahhh mama bakit ganyan ka. Akala ko ba mahal n'yo ko."
"Nakapagdesisyon na kami. Wala ka nang magagawa. Ito lang ang paraan para makaahon tayo sa hirap. Wag ka ng umangal. Mag-eenjoy ka rin naman. Masasanay ka rin. Akin na 'yan," sabay kuha sa mga underwear ko.
"Papa," helpless kong sabi. Tumutulong din s'ya sa pag-empake.
"Patawarin mo ako anak pero tama naman ang mama mo," malungkot niyang sabi.
"'Wag kang mag-alala.." kinuha niya ang Spongebob pillow ko na regalo n'ya sa 'kin. " Hayan, dadalhin mo naman s'ya para lagi mo kaming maalala."
"Waaaahhhhhh........Papa naman eh. Alam kong kamukha n'yo 'yan pero iba parin kayo," sisigok-sigok kong sabi. Naglupasay na ako at lahat-lahat ay hindi pa rin nagbabago ang desisyon nila. Hindi ba nila ako mahal? Bakit ganito nila ako tratuhin?
"Narito na po sila." Napatingin kaming lahat sa humahangos na eleven years old kong kapatid na si Santi. Ang bubuwit kong kapatid ay nagmukhang demonyo sa paningin ko. Ganoon din ang mga magulang ko. Tinubuan na sila ng sungay at may mga buntot na. Nakakatakot na ang mga hitsura nila. Pero ayokong mawalan ng pag-asa.
"Yah! Pati ba naman ikaw," sigaw ko. Tinakpan ni mama ang bunganga ko.
"T-talaga. Sige..sige dalhin na lahat 'yan," natataranta niyang sabi. Nagniningning ang mga mata niya.
"Oo honey," si papa, parehas na silang shining shimmering sparkling glow and the dark na ang mga mata.
Wala na. Wala na akong pag-asa. T_T
"Huwaaaaaahhhhhh...." tungayaw ko.
"Synella tumigil ka nga. Para kang namatayan," pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko.
"Mama please, dito na lang ako. Ayoko do'n. Gagawin ko ang lahat. Hindi na ako hihilik ng malakas, hindi na ko mangangalkal ng pagkain sa hating-gabi, maglilinis na ko ng kuko ko, magpapaganda, magiging dalaga at aahitin ko na rin po 'tong buhok sa kili-kili ko," desperada na ako. Isusuko ko na ang mga bagay na nakasanayan ko at mahal ko.
"Ano ba naman 'yang hitsura mo," nagbibingi-bingahan na si mama. "Saglit nga. Kailangan maganda ka. Baka mapahiya kami n'yan kay kumpare. Saka 'wag mo nang problemahin yang buhok sa kili-kili mo dahil tinanggal na namin 'yan kagabi."
Napahawak ako bigla sa kili-kili ko. Nilislis ko ang manggas ng t-shirt na suot ko. " Ma bakit n'yo 'to pinaki-alaman?" asar na umiiyak ako.
"Dalaga ka na. Nakakahiya kung may makakaita d'yan sa kili-kili mo." Tinungo ni mama ang drawer at kinuha ang make-up kit. Pinadyak-padyak ko ang paa. Wala na ang inaalagaan kong buhok ng ilang taon. Wala na ang inalagan at nilaban ko sa patayan para lang hindi 'to matanggal.
Ang buhok kooooooooo....................ang anting-anting koooooo...........
Nagpumiglas ako nang sasayaran na ang mukha ko ng kolorete. " AYOK..KO..."
" Papa, Santi hawakan niyo siya," utos ni mama. Hinawakan naman ng dalawa ang magkabila kong kamay.
" Ayoko...ayoko...ayoko...." matigas kong sabi.
Makalipas ang labin-limang minuto lumabas na kami sa kwarto. Hawak ni papa at Santi ang mga kamay ko habang dala ni mama ang mga gamit ko. Napatingin ako sa lalaking may panot na buhok. Naka-formal attire pa ito at ang kintab ng pointed shoes niya, kasing kintab ng noo niya.
"Ahh..ku-kumpare, mukhang ayaw yata ng anak niyong sumama sa akin," sabi niya na nag-aalangan. Nakarehistro rin sa mukha niya ang shock.
Eh sino ba namang hindi magugulat eh parang dinaan ng tornedo ang mukha ko. Salantang-salanta. Iyong labi ko inspired ni Mcdonald samantalang 'yong eyeshadow tinira ng dynamite punch ni Ippo.
"Naku pasensya ka na pare masyado kasi kaming mahal nitong inaanak mo. Ma-mimiss daw kami kaya naiyak," nakangiting sabi ni mama. "Pero walang kaso 'yon. Masaya naman s'yang sasama. Di ba anak? " nanlalaki ang mga mata n'yang tumingin sakin pati butas ng ilog pwede nang pansalok ng tubig.
Umiling-iling ako. Mabilis naman hinawakan ni papa ang baba ko at pinataas- baba ang ulo ko. " Hehehe. Pasensya ka na pare dito sa anak ko. Mahiyahin kasi."
Ngumisi naman ang ninong ko. " Wag kang mag-alala pare. Mawawala na ang pagkamahiyahin nitong inaanak ko pagsumama na s'ya sa akin."
Marahas akong umiling-iling ulit. Wala nang lumalabas na salita sa bibig ko. Tinulak ako ni mama.
" Hindi naman sa tinataboy ko kayo kumpare pero dalhin n'yo na ang anak ko. Malayo pa ang uuwian n'yo. Mabait 'yan at masunurin kumpare. Hindi ka magsisisi," todo ngiting pagtataboy ni mama. Bentang-benta na ang kaluluwa ko.
" Mama, papa, Santi....." may pagmamaka-awa pa rin sa mukha ko. Malay n'yo maalog ang utak nila at bawiin ako. Kahit isa man lang sa kanila ang pumigil sa akin, masaya na ako.
" Pakabait ka anak," si papa.
" Go ate. Aja!" si Santi.
"Walang problema mare. Mukhang mapapakinabangan ko naman s'ya ng lubos..." sabay ngising demonyo.
" Sige kumare, kumpare aalis na kami. Dumaan lang talaga kami dito para sa inaanak ko." Kinaladkad ako ng dalawang kasama niya.
"Bye anak. Kaya mo 'yan. Galingan mo."
"Aja! Fighting!" sabay pa nilang tatlo.
Talagang masaya pa sila....
Wala nang pag-asa....
Ang saklap naman....
T_____T
AUTHOR'S NOTE:
Ano kaya ang kahihinatnan ni Synella?
Tama bang ipamigay na lang siya?
Halina't tuklasin natin.
Mag-enjoy, maglakbay, maglaro?
Hmmm... Sineskwela?
Naaamoy n'yo na ba ang plot ng istoryang to?
Abangan bukas kung anong mangyayari kay spongebob?
Connect?
Nyaha....
What's on your mind?
Give me your ideas.......
Comment...comment....comment....
and vote if u like it......
Support it mga dude......
.....>>>>>
szhan mehh^^
BINABASA MO ANG
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...