Chapter 32: Madame Ching

109 10 1
                                    

Pumasok si Choshelle sa napakalaking bahay. Mansyon na ito kung maituturing.

Inasisst siya ng mga katulong papasok sa napakalaking bahay.

"San po tayo?" inosenteng tanong ni Choshelle.

"Dito tayo Ma'am, wag mo na akong i-po.." nakangiting sagot nung maid. 

"Ah, ok po." sabi ni Choshelle.

"Eh, hija, wag mo na kasi akong i-po.." parang batang sabi nito.

Paakyat na sila sa 3rd floor kung nasaan si Madame Ching.

"Ah, sorry po hehe.." nahihiyang sabi ni Choshelle.

"Ay, nako hija, napakagalang mo naman.. Ang swerte sayo ni Sir Ching--"

"HIMYSONNTOBEOHNOT, MYDAUGHTER-IN-LAWOHTHEREYOUCOMEYOURSOPRETTY!"

Nagulat silang dalawa nang biglang magsalita si Madame Ching at tumakbo para yakapin si Choshelle.

"P-po? K-kayo po si M-madame Ching? H-helle po.." nahihiya at natatakot  na sabi ni Choshelle at yumuko para magbigay-galang pagkatapos nilang magkalas sa pagkakayakap.

"Dont call me 'Madame'. Just call me Mom." ngiting-ngitingsabi ni Madame Ching.

'Huh? Bakit? Naguguluhan ako.'

"P-po? O-ok po." 

Umoo nalang si Choshelle kahit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sinasabi nito. 

Nakahawak ito sa dalawang braso niya pero nang may pag-iingat at tila ba iniinspeksyunan siya.

"Hija, anak, may masakit ba sa iyo? Nasaktan ka ba ng anak ko?"

"P-po?" naguguluhang tanong ni Choshelle.

Nakangiti ang mga katulong at nagbungisngisan sa may tabi. Pinanlakihan ito ng mata ni Madame Ching at agad naman silang nagsialisan.

"Wag ka nang magdeny hija. Ano ka ba, hija, just treat me your mom." nakangiting assurance sa kanya ni Madame Ching. 

"T-teka lang po. Naguguluhan ako. S-sino pong anak at b-bakit niya po ako sasaktan?"

She's right on her doubt and guts. May gustong manakit sa kanya. 

'Kailangan ko siyang labanan.'

"Huh? Sayo 'to diba? Ikaw si Choshelle diba?" naguguluhan na rin si Madame Ching pero may inilabas siyang pulang diary na iniabot sa kanya ng katulong mula sa likuran.

"O-opo. Paano po n-napunta dito yan?" naguguluhan na talaga si Choshelle sa mga nangyayari. Feeling niya ay lalagnatin na siya.

"Ano ka ba hija--"

Hindi na niya naririnig ang mga sinasabi ni Madame Ching dahil nagulat siya sa paglabas ni Kirby sa isa sa mga kwartong nandoroon at naghikad ito.

AT ISA PA, NAKABOXER LANG ITO.

'Anong nangyayari? Bakit andito si Kirby? Mom nya ba itong kausap ko ngayon? Bakit niya ako kinakausap? Bakit nandito ang diary ko? Sya ba ang nakapalitan ko ng bagahe? Bakit sa dami ng tao siya pa? AT, BAKIT PARANG NATUYUAN AKO NG LAWAY NANG MAKITA KO SIYA, AT LALO NA NAKABOXER LANG SIYA?'

Firstime niya lang kasing makakita ng nakaboxer lang :D

"Hija? Hey! Hija? Huy! Hijaaaa? Wohoooo."

Nagulat siya nang mapansin nyang nagspaced-out pala siya at nakalimutan niyang kausap niya pala si Madame Ching . 

NATULALA SIYA SA ABS NI KIRBY!

Lumingon si Madame Ching sa dahilan ng pagkatulala ni Choshelle at nang masatisfied na sa pagtingin ay ngumiti ng pilyo.

The BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon