Sinama siya ni Kirby sa bar.
Inis na inis siya. Kung pwede lang tumalon sa kotse ay kanina nya pa ginawa. Inaasar siya nito na ipinagmamalaki daw niya na KASAL NA SILA.
Ang natatandaan niya lang na sinabi niya ay KASAL NA SIYA, pero walang SILA NI KIRBY.
Iniwan siya ni Kirby pagpasok pa lang sa entrance ng bar, at inihagis din nito ang susi ng kotse nito incase na gusto na daw niyang umuwi, ipagdrive niya ang sarili niya.
HOW PATHETIC!
As usual, maingay sa bar. Masyadong madaming sumasayaw sa dance floor at gusto niya mang sundan at hanapin si Kirby, ay di na lang niya ginawa.
Nanatili na lang siyang nakaupo.
"Hi Miss."
Isang lalaki na lasing na lasing at muntik pang ma-out of balance ang lumapit kay Choshelle.
Hindi na lang niya ito pinansin at sinilip niya si Kirby na nakikipagtawanan sa may counter.
"Ang ganda mo naman."
Nagulat siya nang paglingon niya ay sobrang lapit na nito at amoy na amoy na ang mabahong hininga nitong nahaluan pa ng alak.
Umalis si Choshelle sa pwesto niya at lumipat ng pwesto, yung medyo malapit kay Kirby para agad nitong makita kung may mangbabastos man sa kanya.
"Oh miss? Bakit mo ko nilalayuan? Naligo naman ako ah?"
Hinawakan siya nito sa braso ng sobrang higpit.
Hindi na niya ngayon matanaw si Kirby dahil nawala na ito kasama ang mga kausap nito kanina.
"ANO BAAAA!" inis na inis na sabi ni Choshelle habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak nito.
"Ang arte mo naman Miss, makikipagkilala lang." sabi nito habang nakaevil-grin at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
Sinilip niya si Kirby at nakita niya itong nakikipag-usap sa isang babae.
"K-kiiiiiiirby!" tawag niya dito.
Pero, natabunan lang ng tugtog sa dance floor ang boses niya.
"Oh baket tinatawag mo si Kirby? Papatulong ka? *smirk* Kala mo ba papansinin ka non? Asa ka." sabi nito kay Choshelle pagkatapos ituro si Kirby na nakikipagtawanan sa babaeng kausap nito ngayon.
Actually, napakaganda nito. Walang-wala si Choshelle kung ikukumpara dito.
"K-kiiiiiirby!" tawag niya ulit dito at pilit kumakawala sa bastos na lalaking iyon.
"Ha-ha, patawa ka. Sumama ka nalang sakin Miss byutipul. Pasisiyahin kita."
Pero bigla itong bumulagta hawak ang dumudugong nguso.
"ISA PANG BASTOS MO KAY CHOSHELLE, PUPULUTIN KA SA LIBINGAN."
Si Felix ang nagsalita. Mukha itong galit na galit.
He saved her.
"SINONG KASAMA MONG PUMUNTA DITO?" concerned pero maawtoridad na tanong ni Felix.
Napalingon siya sa ngayo'y nakikipaghalikan nang si Kirby.
Bigla na lang napahagulgol si Choshelle at napayakap kay Felix sa takot at inis niya. Inis na inis siya kay Kirby! Sinama lang siya nito para ipakitang may mahal na ito at hinding-hindi magiging siya iyon?!
Napakalaking FACEPALM kay Choshelle ang nakita niya.
She already trusted him. Simula ng sinabi at ipinagmalaki nito kanina kay Calvin na SAKANYA LANG SIYA.
NAPAKATANGA NIYA PARA MANIWALA.
