"Bye, bye na Baby Choshelle." pagpapaalam ni Euri kay Coshelle at saka nagflying kiss.
Mas malapit lang kasi ang bahay nito kumpara kay Choshelle at mauuna nang makauwi pagkatapos nitong ikwentong medyo napapansin na daw siya ng crush niya at nagkakatitigan sila dahilan para mabugbog ng husto si Choshelle sa lupit ng pagkakakilig nito.
"Baby ka dyan, haha." huling komento ni Choshelle bago makapasok si Euri sa Apartment na tinitirhan nito. Hindi rin sila mayaman at scholar lang si Euri sa university nila.
Mag-isang naglakad si Choshelle. Past 7 pm na siya makakauwi, dahil sa haba ng pakikinig niya sa plano nung tatlo sa pagsalvage sa babaeng pinakasalan ni Kirby na di nila alam na siya pala, at pakikinig sa madrama at madugong pagkekwento ni Euri sa lovelife nito.
"Choshelle!"
Nagulat siya nang humabol sa kanya si Calvin at mukhang pagod na pagod ito.
"C-calvin?"
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya, maiinis o maiilang sa pagkakakita kay Calvin. Isa rin kasi ito sa dahilan ng pinag-awayan nila ni Rhianne.
"Oo, gusto ko sanang sumabay sayo eh." nakangiting sabi ni calvin at for Choshelle's amazedness, hindi na ito nauutal.
"Ah, eh, sige." mukhang siya naman ngayon ang mauutal sa pagkailang.
ALAM NIYANG HANGGANG NGAYON AY NAGHIHINTAY PA RIN ITO NG KASAGUTAN.
Silence.
Yan ang naghahari sa kanila ngayon si Calvin, and she wished na sana wag na itong magopen-uop ng topic tungkol sa panliligaw.
And her wish is granted. He never broke up the silence.
"WIFEY, SAKAY!"
Nagulat si Choshelle ng may huminto sa kanilang kotse at nagbaba ng glass window.
"K-kirby?" si Choshelle naman ngayon ang napatawag dito.
Alam niya ang kahulugan ng salitang 'WIFEY' dahil ilang beses na niya itong nabasa sa wattpad.
"Uy, kirby musta?" nakangiting tanong ni Calvin kay Kirby hindi alam na ang babaeng kasama't-pipilitin niyang pasagutin ngayon ay kasal na.
Pero imbis na sagutin siya ni Kirby ay si Choshelle ang inintindi nito.
"SASAKAY KA BA O HINDI?!" bulyaw sa kanya ni Kirby.
Natutuwa si Choshelle na iaalis siya ni Kirby sa pagkailang pero ayaw niyang iwanan si Calving naglalakad mag-isa.
"T-teka, Kirby, sino bang pinapasakay mo, ako o si Choshelle?" tanong ni Calvin habang tinuturo ang sarili niya at pagkatapos ay si Choshelle.
Inis na inis si Kirby sa katangahan nito.
"Calvin, bakla ka ba?" nakasmirk na tanong ni Kirby kay Calvin at inakbayan si Choshelle.
Nagulat naman si Choshelle sa ginawa nito at lalong lalo na si Calvin.
"T-teka, Kirby, anong--"
"Nag-away silang magbestfriend nang dahil sayo. Gusto ka ni Rhianne kaya si Choshelle ang sinisisi niya. Tngna pre, yung totoo? Mahal mo ba talaga si Choshelle o ipinapahamak mo lang?"
SPEECHLESS SI CHOSHELLE.
Narinig pala ni Kirby ang pag-uusap nila kanina sa garden.
"K-kirby--" awat ni Choshelle.
"Pero--" tutol ni Calvin.
"And dude, for your information, AKIN LANG ANG WIFEY KO. KASAL NA KAMI KAYA WALA KA NANG MAPAPALA. *smirk*" pagyayabang ni Kirby at kinindatan si Choshelle.
