"Anak naman, wag mo sabihing nagulat ka pa sa nakita mo?"
Lumapit sa kanya ng kaunti si Madame Ching at bumulong.. "Nahawakan mo na yan diba?"
Pagkatapos nito sabihin iyon ng may pagkapilyo ay tuluyan na ngang nahilo si Choshelle.
"P-po?" tanging nasabi na lang ni Choshelle bago siya hatakin nang dalawang maid.
__________________________________________________________
Natapos ang madugong pamimilit ng mga maid kay Choshelle na ayusan siya at ng pangungumbinsi ng mga Make up artists kay Choshelle sa napakadami nitong tutol at tanong.
Nakasuot siya ngayon ng Wedding Gown pero tiniyak nilang hindi na siya tututol.
Inalalayan siya palabas ng mga maid na ngayon ay mga nakagown na din at nagulat si Choshelle sa nakita.
IKAKASAL SIYA SA GARDEN NI MADAME CHING!
'Sabi nila, di naman daw to totoo. Baka kasi magalit si Madame sakin 'pag di ako pumayag. Pang-video lang naman daw e. So, ok. Go, go. aja!'
Lahat ng mga maids at guards lang ang mga bisita sa kasal. May nakatayo nang pari sa harap------at pati si Madame Ching ay nakagown na din. Even Kirby's little sister Kaye wears a gown.
Nasa harap na si Kirby. PWE! Bakit sa lahat ng makakapartner niya sa video, si Kirby pa! Ang first and last enemy niya pa? Tounge in a lungs. Iniisip niya na kung totoong kasal ito ay, FACEPALM para kay Kirby. Hinding-hindi mangyayari iyon.
Pumunta na si Choshelle sa altar-altarang itinayo doon at tumabi kay Kirby.
"Ikaw hijo, pumapayag ka bang--" pagtatanong ng pari kay Kirby pagkatapos nitong magsalit ng kung anu-ano.
"-- ikaw ay makakatanggap ng napakadaming spongebob boxer shorts at mamumuhay kapiling ang mga ito?"
NANANAGINIP PA SI KIRBY. Ang nakikita niya ngayon ay ang Mom niya na tinatanong siya kung gusto siya kung gusto niya ba ang pasalubong nitong mga spongebob boxer shorts na nakakalat sa sahig.
SPONGEBOB? Of course he did.
"Opo, opo... Opo.. opo.. Opo.. Opo, opo..."
"Hijo, tama na." pigil ng pari kay Kirby na mangiyak-ngiyak sa pagsagot at kumakamot-kamot pa ng ulo.
NAGMUKHA SIYANG SINCERE.
Bumaling ang pari kay Choshelle.
"Ikaw hija, blah blah blah blah."
Wala ang atensyon ni Choshelle sa pari kundi sa iniakto ni Kirby. 'Ang galing niya palang actor. *0*'
Nagulat si Madame Ching nang mawala si Baby Kaye sa tabi niya. Kanina pa kasi nito sinasabi na najijingle daw siya, kaya iniisip ni Madame Ching na baka umihi lang ito. Pinasundan na lang niya ito sa personal maid nito.
"Hija?" naghihintay ng kasagutan ang pari.
MENTAL BREAKDOWN, hindi niya alam ang isasagot.
Saved by the bond paper na nasa likod ng pari at nasa taas ng ulo nito sapat na para makita ni Choshelle, may nakasulat ditong capitalized word na 'OPO' na parang sulat ng isang around grade 2 student.
"O-opo?" patanong na sagot ni Choshelle sa pari dahil binasa niya lang ang nakasulat doon at nagaalinlangan pa siya kung babasahin niya ba o hindi.
Pero, isa iyong kasagutan para sa pari.
"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE."
Nagpanic si Choshelle. Ang sabi lang kasi sa kanya ay sasagot lang sila at hindi kasali ang kissing scene! Ni hindi niya alam na totoo ang nagaganap na kasalang iyon.
'Teka? Asan yung video stand? O kahit camera man lang?' pagtataka ni Choshelle.
Pero bago pa siya makatutol, ay itinulak silang dalawa at natumba siya kay Kirby. MISMONG ANG PARI NA ANG GUMAWA NG MOVE.
AT DOON NA TULUYANG NAGISING SI KIRBY.