"Date in house, date in park, date in mall, date in heaven, date in hell, date in bar, date in cemetery, date in fastfood chain, date in desert, date in Pacific Ocean, date in Europe, Saudi o India. Saan mo gustong magdaos ng friendly date?" nakangiting tanong ni Rhianne kay Choshelle na kasalukuyang nire-rearrange ang kwarto nito.
"Park." simpleng sagot ni Choshelle nang hindi man lang lumilingon kay Rhianne na tatlong oras na naghihintay na matapos siyang paulit-ulit na ikutin ang kwarto niya.
"Ok, tara na."
Bigla siyang hinatak ni Rhianne pero pinigilan niya ito dahil hindi pa siya tapos sa ginagawa niya.
"Teka lang." pigil niya dito, but she's too weak to stop Rhianne.
She let Rhianne pull her, because first of all, miss na miss niya na ito.
Nanag makarating sila sa Park ay nakipaglaro sila nang habulan kasama ang mga batang pulubi, atsaka nila ito binilhan ng pagkain.
Pagkatapos ng mga itong kumain, ay nagpasalamat ang mga ito sa kanila at bumili si Choshelle nang dalawang dirty ice cream.
"Eeeeeeww!"
Nainis si Choshelle sa nireact ni Rhianne nang iabot niya dito ang binili niyang Chocolate flavored dirty ice cream pero pinagpilitan niya pa din itong ibigay.
Habang buys sila sa pagtatalo kung masarap ba iyon o hindi, at paglantak ni Choshelle sa ice cream niyang tunaw-tunaw na, ay may nahagip ang mata ni Rhianne.
"Akin na yan!" nakasimangot na sabi ni Rhianne atsaka hinablot ang dirty ice cream na kanina pa nila pinagtatalunan kaya napangiti si Choshelle dahil akala niya ay nanalo siya kay Rhianne.
Pero hindi ito tinikman ni Rhianne but instead, she threw it right on face of the girl beside Kirby.
"Oh my gosh!" maarteng tili nito habang nakatingin sa nakangising si Kirby at pinunasan ang mukha gamit ang palad nito.
"Kasalanan ko?" taas-kilay na tanong ni Kirby at lumingon kay Choshelle na gulat na gulat sa ginawa ni Rhianne.
"Don't you dare to flirt with this freakin' guy beside you! He's sealed with my bestfriend's virginity and they're already married! F*ck off, btch!"
"Rhianne." awat ni Choshelle kay Rhianne pero tinignan lang siya nito na parang sinasabi na 'Lemme, handle this.'
Nagnod na lang si Choshelle at bumili ulit ng dalawang dirty ice cream para sa kanila ni Kirby dahil parang wala talagang balak si Rhianne ng tikman ito.
Sinundan siya ni Kirby leaving the girl and Rhianne.
"Di ka galit?" tanong ni Kirby kay Choshelle sa napakababang boses na parang naghihintay na mapagalitan.
"Bakit?" takang-tanong ni Choshelle.
"Dahil kasama ko yung babaeng nangungulit sakin dati pa."
"Sus. Hayaan mo yun. Takot niya lang kay Rhianne."
"KAYA MAHAL NA MAHAL KITA EH!" hinatak ni Kirby si Choshelle at inakbayan. Nagdire-diretso sila ng lakad at iniwan sila Rhianne.
"HOY CHOBY! Wag niyo 'kong iwan!" sigaw ni Rhianne pero nakalayo na ang 'mag-asawa' kaya wala siyang magawa kung hindi ang patigilin ang umiiyak na sa takot na babaeng ginawa niyang ice cream cone ang mukha.
"*sniffs*"
"Wag kang umiyak dyan na parang api, pwede? Malandi ka kasi eh. Kasalanan mo 'yan! Oh, panyo. Kawawa ka naman. Mamaya ireport mo pa akong slut abuse, makulong pa ako. Bibilhan na lang kita ng ice cream, okay? Magpunas ka na. Pangit ka na nga, lalo ka pang papangit. Tahan na. But next time, BE CAREFUL ON WHO TO FLIRT FOR."