Balisang naglalakad si Choshelle sa hallway. Nauna na siyang lumabas pagkabell pa lang para sa dismissal.
"Choshelle! Samahan mo ako sa Studen'ts Council Office dali!"
Nagulat siya ng bigla siyang hatakin ni Euri.
"Ha? San nga ulit tayo pupunta?"
Lutang ang isip na tanong ni Choshelle pero hindi inaalis ang pagkakahawak sa kanya ni Euri.
"Basta, samahan mo ako kay--"
"AUBREY?" gulat na tanong ni Choshelle nang huminto sila sa Student's Council Office at bumungad sa kanila si Aubrey na iritang-irita na sa dami ng hawak nitong papel at sinisigawan na si Kasey, ang presidente ng katabi nilang room.
"O-o, hehe, baka kasi sigawan ako ni Aubrey!" mahinang sabi ni euri kay Choshelle.
"Bakit naman niya tayo sisiga--" naputol ang sasabihin ni Choshelle ng biglang sumigaw si Aubrey.
"MS.FRANCO AND MS.TAN, PAPASOK BA KAYO O MAGDADALDALAN DIYAN SA PINTUAN?!MAKAKAALIS NA KAYO!" dinaig pa nito ang pinakaistriktong guro sa asta niya at pumamewang pa.
Kahit papaano ay maganda pa rin ito kahit sobrang haggard.
"Hindi kasi Aubs, ipapasa ko 'tong Top rankings this year, pinapafill-upan kasi yung form, para naman daw mainform na lahat ng mga kasali. sa top." pagpapaliwanag ni Euri nang medyo makalapit na sila kay Aubrey.
"Aubs? Kelan pa tayo naging close? Wag mo kong bigyan ng pet name, pwede? Bukas na yan, off limit na 'tong pagod ko. 3 nalang naman kayong mga natitirang tambak! Ghaaaad! Nakakastress, nagsisisi akong ako ang nagprisinta. Letse kasi tong si Crys--"
"PRESENT! Hi Choshelle! Hi Ate Aubs! Hi Ate Euri!" biglang sabat ni Crsytal ng marinig niya na babanggitin ang pangalan niya.
Ngiti lang ang itinugon ni Euri at Choshelle.
"Crystal?!" naiiritang tawag ni Aubrey kay Crystal na ngayo'y nilalantakan ang dala nitong Popcorn na nagmukhang galing sa sine.
"Yeah! *0* Uy guys, balita ko may pinakasalan na daw si kirby huh?" pangtsitsismis ni Crystal at medyo naglean pa palapit sa kanila na parang may ire-reveal na sobrang BIG SECRET at TALK OF THE WHOLE WORLD.
"Huh? Sino? Maganda ba? Ang swerte naman nun, eh, ang gwapo kaya ni Kirby ko! Sana ako nalang siya." pag-uusisa ni Euri na halos magkaheart na sa dalawang mata pero medyo disappointed sa nalaman.
"Swerte? Yun ba ang tinatawag mong swerte? Malas kamo! Ang malas niya sa ugali ni Kirby!" sagot ni Aubrey habang naga-unfold ng mga nagkalat na papel.
Kilalang-kilala na nila si Kirby dahil sa pagtanggi at pagpapahiya nito kay Mich nang magtapat sa kanya.
Isa si Mich sa mga campus stars na pinagpyepyestahan na parang artista kapag dumadaan sa hallway.
Nanatili lang na nakikinig si Choshelle.
"Sino daw ba kasi?" nakapout na tanong ni Euri.
"TAGA-UNIVERSITY DIN NATIN SIYA!" nakasimangot na sabi ni Crystal.
"So, anong balak niyong gawin guys? Bakbakan? Resbakin? go ako dyan!" naka-smirk na sabi ni Aubrey habang sinasabi iyon at nagulat nang mapansing nakalimutan na nila ang presensiya ni Choshelle.
"Oh, Choshelle, di ka umiimik diyan?" natatawa-tawang tanong ni Aubrey.
"Ah, wala lang." walang maisip na sabihin si Choshelle, bukod sa gusto niyang sabihing tumututol siya.
"IPAPAHIYA KO SIYA!" ngiting-wagi at puno ng confidence na sabi ni Euri.
"Go, go,go! Go Ate Euri!" pagsuporta ni Crystal kay Euri at nagsign pa ng 'FIGHTING'.
"B-bakit?"
Hindi alam ni Choshelle kung sasabihin ba niyang siya ang babaeng iyon, O HINDI?