[3RD PERSON'S POV]
Meet Ryan Kirby Ching, a guy of 17 years old, a half-chinese and SUPLADO in his own serious ways.
"SIIIIIIRRRRRRRRRR CHIIIIIIINNNNNNNGGGGG!"
Bungad ng mga nagsisikiligang mga katulong sa kanilang among kakauwi lang galing sa China.
Iritadong pumasok ito at ibinalibag ang kanyang maleta sa kanyang personal maid at iritadong sumigaw ng:
"F*CK, WILL YOU GUYS PLEASE SHUT UP?!?!?!"
Dali-dali namang tumungo ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang ginagawa.
Umakyat na siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwarto niya upang magrelax. Nauna na sa kanya ang kanyang personal maid upang ayusin ang gamit niya. Ito lang ang may karapatang pumasok sa kwarto niya bukod sa kanya, na siya namang agad niyang pinagbubuntunan ng galit niya kapag may nagkulang sa gamit niyang NAMISPLACE niya lang pala.
Naglagay siya ng earphones at humilata sa Black Couch niya. Black and White lang ang theme ng kwarto niya, pero kakikitaan mo ito ng disenyong Spongebob.
Inilagay niya sa "0" ang volume upang maririnig kaagad niya at masisigawan ang kung sino mang pesteng mangugulo sa kanya.
"S-sir, b-bakit po, may p-panty ng b-babae dito?" mahinang tanong ng katulong na sadya namang malakas ang pandinig niya pero hindi na lang niya pinansin.
Naaalala na naman niya yung araw na nagwala siya at isinagaw ang katagang: "HINDI AKO BAKLA!"
Naiinis na naman siya. He's so mad at her mother!
"S-sir, b-bakit po may p-panty ng babae d-dito?" medyo nilakas na ng personal maid niya ang boses nito upang marinig siya ng kanyang Sir.Kirby.
Nahihiya man ito, ay kailangan niya malaman.
Again, he snob her. WHY WOULD I BRING HERE A PANTY? He thought. SHE'S JUST KIDDING.
"S-SIR BAKIT P-PO MAY P-PANTY NG BABAE DITO?" malakas na tanong ng katulong.