" Hi, Kirby. K." nakapokerface niyang pakilala at agad namang umupo sa bakanteng upuang nakita niya banda sa likuran.
Shock na shock naman ang professor sa uri ng pagpapakilala niya at agarang pag-upo niya kahit wala pa itong pahintulot pero hinayaan nalang niya ito dahil natatakot siya sa deadly glare nito.
Hindi ito makapagdiscuss ng maayos dahil talaga namang nakakadistract ang paulit-ulit na paglingon ng mga kababaihan kay Kirby at panay din ang hagikhikan nila.
Nagulat ang professor ng bigla siyang magtaas ng kamay kahit wala naman siyang kahit anong pinapasagutan.
"Yes?" tanong ng professor sa kanya.
Tinignan niya ng masama ang mga babaeng mamatay-matay dahil sa kilig at presensiya niya.
"Can I change my seat with that girl?" turo niya kay Choshelle na nasa tabi ng bintana.
"It depends on her." sagot ng professor.
Dinaanan ng professor ang natutulog na si Rhianne upang mas makalapit kay Choshelle. Nakasideview kasi ito at nakatingin sa labas.
"Ms.Franco?" tawag ng professor dito.
Hindi ito lumingon na ikinabwisit kaagad ni Kirby.
"Ms.Franco?" tawag niya ulit.
But, she stayed on the same place, looking to the outside.
"Huy."
Kinalabit ito ng nasa harap niya at nagulat naman siya at agad namang nagpunas ng luha.
"Yes, sir?" nakangiting tanong ni Choshelle sa kanilang professor.
"Oh, Choshelle bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng professor dito.
"H-ha? Hindi p-po, s-sir, a-ano, napuwing lang po." tumawa siya ng bahagya para ipakitang nagkamali lang ito ng tingin ng magpunas siya ng luha.
"Choshelle, tell me what's bothering you hija. You know you're like a daughter to me, so come on tell me. What is it?" OA na pagkakasabi ng professor sa kanya.
Napahagulgol naman siya sa sinabi nito dahil sobra siyang natouch sa paraan ng pagkakasabi ng professor kaya't napagdesisyunan niyang ikwento nalang.
"Kasi po sir..."
Lahat sila nakanganga at naghihintay sa kasunod na sasabihin ni Choshelle.
"Nawawala yung diary ko...."
"What the f*ck! Do I really heard a word Diary?!?! Iniiyakan mo ang isang diary?! Tapos pinaghintay mo pa ako dito?! Shit lang!" galit na galit na sabi ni Kirby kay Choshelle.
Nganga naman daw ang professor at mga ibang nandoroon kay Kirby.
Nagalit naman si Choshelle sa pangingialam ng binatang hindi naman niya kilala at sa bigla nitong pagsabat.
"EXCUSE, AM I TALKING TO YOU? DO I KNOW YOU?" sarkastikong pagkakasabi ni Choshelle.
"I DON'T CARE! I TELL IT EARLIER BUT YOUR MIND IS SPACING OUT! SO IT'S YOUR FAULT!" sagot naman ni Kirby.
Nagpapalipat-lipat nalang ang tingin ng professor at ng mga estyudante sa kanila sa takot na madamay. Si Rhianne the superwoman at tagapagtanggol ni Choshelle? Ayun, tulog.
"OH, MY MIND DOESN'T HAVE A WINGS, SORRY." sarcastic na sagot ni Choshelle.
Nagulat naman sila sa ugaling pinapakita ni Choshelle ngayon. Hindi nila akalain na ang isang demure, silent, friendly, at isang simpleng babae kayang magcounduct to a wild species at may tinatagong ganitong side?
