(Medyo mahaba na hahaha!)
"Ohmygosh! Di na ako makapaghintay na mapahiya yung babaeng yun! Akin lang si Kirby!" pagmamaktol ni Euri habang naglilinis ng kuko.
Andito ngayon si Choshelle sa bahay ni Euri.
"Nakakalito ka naman! Akala ko ba may Albert ka na, O, tapos may Kirby ka pa? ALAM MO, wag ka nang dumagdag sa mga perwisyo ni Kirby." natatawa-tawang sabi ni Choshelle pero naiinis sa pangalang iyon.
Gusto niyang magsumbong kay Madame Ching pero ayaw niyang mapahiya at magmukhang loser.
"Wala akong pake kay Albert, noh! Si Kirby lang--"
KUNG ALAM LANG NILA!
"So, ayaw mo pala sakin? I guess kailangan ko nang umuwi. Sayang naman pala tong mga flowers na dala ko. GE."
Nagulat silang dalawa nang biglang may magsalita sa pintuan.
"Yan ba si Albert?" kinikilig at natatawa-tawang tanong ni Choshelle.
"Huh? A-albert? H-hindi, joke lang y-yun." pinagpapawisang sabi ni Euri kay Albert at natabig pa ang nail polish niya.
"Wag na, nagtatampo na ako."
Tumalikod si Albert at akmang aalis.
"HOY! ECHUSERO! ANG ARTE MO HUH! EDI UMALIS KA! SHOOOOO!" pagtataboy ni Euri kay Albert pero mahahalata mong nagtitimpo ng ngiti.
"Oo na."
Lumakad na si Albert palabas. Bubulong-bulong naman si Euri at nagmake-face pa.
"Naku Euri, YAN PALA YUNG ALBERT NA PINAPANTASYA MO HUH! PARANG KAGABI LANG KUNG IBIDA MO SAKIN SI ALBERT KAGABI, nakuu!" pang-aasar at pagpaparinig ni Choshelle kay Albert na di pa rin umaalis sa kinatatayuan nito.
Pinandilitan niya si Choshelle.
"AS IF NAMAN NOH! WALA AKONG PAKE KUNG LIGAWAN NIYA MAN AKO O ANO--"
"Kala mo naman may balak ako? Ipapabigay ko sana 'to sayo pinapabigay ni Kuya sa Ate mo."
Inabot ni Albert ang bulaklak at humalagpak ng tawa.
"Napapala ng mga feeler.." bulong ni Choshelle sa namumula nang si Euri.
NAMUMULA SA GALIT AT MAGKAPAHIYA!
"WALA KONG ATE!" sigaw ni Euri kay Albert at inilapag ang bulaklak sa padabog na paraan at bumalik sa paglalagay ng nail polish.
