Chapter 34: Officially Married

110 10 2
                                    

"Oh, what the f*ck! What are you doing here?!" bulyaw ni Kirby kay Choshelle pagkatapos nilang tumayo at makarecover sa pagkatumba.

Nagulat si Choshelle nang makitang wala na ang pari. Hindi lingid sa kaalaman nila na binayaran lang ito ni Madame Ching para ikasal sila agad at pinaalis ito agad-agad matapos ng kasal at ipinaayos ang mga papeles ng kasal na nangyari. 

"I don't know--"

"Why am I wearing this? You guys are so foolish damn creatures!"

Bumalik na sa kanya-kanyang trabaho ang mga katulong at iniayos ang mga upuang ginamit.

Hinubad na nila ang mga sinuot nilang damit pang-kasal at inaantok pang nagtungo si Kirby kay Madame Ching.

Sumunod sa kanya si Choshelle.

"Why are you following me?!" masungit na tanong ni Kirby kay Choshelle at nilamutak ang mukha sa inis.

"Cause it isn't my house." mahinang sabi ni Choshelle na parang nagsisimula ng matakot kay Kirby.

Napahinto silang dalawa sa paglalakad ng bumungod sa kanilang dalawa si Madame Ching nang napakalapad ang ngiti.

"Oh my son and my daughter-in-law, you're already officially married." masayang sabi nito. 

Natulala silang dalawa. Miski ang antok ni Kirby ay biglang nawala.

"Madame--" pinutol ni Madame Ching ang napakahabang itututol ni Choshelle.

"Follow me on the dining room." nagha-hum pa na sabi ni Madame ching at ngumiti sa kanila ng pagkatamis-tamis. 

Sumunod na lang si Choshelle dahil sa maawtoridad na utso ni Madame Ching. Maging si Kirby ay napasunod nito. 

Gulat na gulat si Choshelle nang makita niya ang Mama at Papa niyang nakaupo at kumakain sa mga nakahanda sa mesang inihanda ni Madame Ching para sa kanilang kasal.

Nakalimutan niyang pinapabili lang pala siya ng gamot at ngayo'y nalagay na siya sa ganitong sitwasyon.

"M-ma? Pa?" nahihintakutang tawag ni Choshelle sa mga ito.

Pero, nagulat siya ng ngumiti ang mga ito.

"Oh, anak, hindi kami galit sayo, Reah already told us." nakangiting sabi ng Mama ni Choshelle.

Bago pa makapagtanong si Choshelle ay inunahan na siya ni Madame Ching. 

"Yes, i'm Reah. Your parents and I, were childhood friends before Kirby's father died last month. They attended on the burial. Can you believe for this so much coincidence?" hindi makapaniwalang sabi ni Madame Ching.

Nanatiling walang kibo si Kirby.

"Wait, let me explain first." ngayon napagtanto ni Choshelle ang lahat. Na si Kirby ang nakapalitan niya ng bagahe sa dami ng tao, kung kaya't nandoroon ang mga gamit niya.

"No need to explain hija, your parents deal with it." masayang sabi ni Madame Ching.

"But--"

"No buts, you're married afterall!" nakangising sabi nito.

Nakatingin lang si Kirby. He can't uttered to speak.

"But, Madame Ching, nagkapalit lang kami ng bagahe." depensa ni Choshelle.

Nagulat si Madame Ching sa narinig at nalaman, at maski ang parents niyang kan-kanina lang ay naglilibot sa buong bahay ay napahinto.

"What did you say?"

The BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon