Chapter 1

48 4 0
                                    

Chapter 1: New Girl

They say that the lioness stays playful as it gets old. Kabaliktaran naman nito ang lalaking leon na seryoso kapag tumanda. And Izzie greatly compares herself to a lioness at nili-literal niya ito.

Kinalabit ni Izzie ang katabing si Miguel na naglalagay sa bag ng notebook at libro ng katatapos lamang na subject.

"Psst," sitsit ni Izzie nang hindi siya pansinin ng kaibigan. Ngunit sinulyapan lamang siya nito at tinaasan ng kilay bago bumalik sa pagliligpit ng bag.

"Ang suplado," angal ni Izzie. "May assignment ka sa History? Pakopya!"

Inilahad ni Izzie ang kamay at umasang ibibigay sa kanya ng binata ang History notebook nito. Hindi niya kasi alam na may assignment pala sila sa subject na yon. Na-excite siya masyado kagabi dahil PE nila ngayong araw.

Izzie squealed when Miguel took out a notebook that he just put in his bag and handed it over to her.

"Thank you, Miggie," she said in a high-pitched voice. Miggie could only look at her with a helpless expression.

Binelatan niya lamang ito at agad namang binuklat ang sariling notebook para kumopya.

"Iz, pupunta kami sa canteen. May ipapabili ka?" Rinig niyang alok ni Miguel. Busy siya sa pagsusulat kaya wala sa sarili na umiling siya.

Kasama siguro nito ang mga kaibigang si Jared at Gio dahil narinig niyang nagpaalam rin ang mga ito sa kanya.

She heard Miguel sigh and left the classroom. May iilang naiwan din sa classroom kahit recess. Pwede kasing kumain sa loob ng classroom nila.

"Hay nako, Elizabeth, what would you do without Migs kaya no?" She heard her friend, Phoebe's voice behind her.

Hindi niya ito pinansin at nagmamadali parin sa pagsusulat. May kahabaan kasi ang mga sagot sa assignment. Well, History 'to eh.

"Bakit ba kasi wala kang gawa? Nakasulat yan sa board oh..."

Sumasakit na ang mga daliri niya dahil sa diin at bilis ng pagsusulat. Hinayaan niya lamang na kausapin ni Phoebe ang kanyang sarili dahil malapit na siyang matapos.

Madiing tinuldukan ni Izzie ang huling sentence ng kanyang assignment. Sa wakas ay natapos din niya.

"Iniba mo ba yung construction ng sentence? Lagot kay kay Sir Archie pag nahuli niyang parehas kayo ni Migs." Tuloy padin sa pagsasalita si Phoebe.

"Oo naman. Hindi ko naman ipapahamak si Miggie ng ganon, no," sagot ni Izzie habang pinapatunog ang mga nangawit na daliri.

Tiningnan niya ang kaibigang nakaupo sa mismong armchair ng upuan ni Miggie sa tabi niya.

"Hindi ka ba kakain?" Takang tanong ni Izzie sa kaibigan.

"Kakain. Nagpabili ako kay Gio," sagot nito.

Nasapo ni Izzie ang bibig. "Dapat pala nagpabili na rin ako kay Miggie!"

Nakaramdam kasi siya bigla ng gutom at hindi niya naman alam na maaga niya matatapos ang assignment.

"Punta lang akong canteen, ah," paalam niya kay Phoebe.

Ilang hakbang palang ang kanyang nagagawa sa hallway ay nakita niyang lumitaw mula sa mga hagdan ang tatlo niyang kaklase, si Miguel, Gio, at Jared. Dala ng mga ito ang mga biniling pagkain.

Izzie met them halfway at tumigil siya sa harap ni Miggie who is standing tall with his vampire-like skin and intimidating eyes.

"Saan ka pupunta?" Miggie asked her quizzically.

Never Not YouWhere stories live. Discover now