Chapter 11: Black Label
As promised, Izzie spent the weekend at Miguel's. Nakakulong sila sa kwarto at naglalaro lang ng console. Nagmamakaawa na nga si Katja na makisali sa kanila. As much as Izzie wants to tend to the little girl, she promised her best friend the weekend.
Nang katukin sila ng Tita Sarah niya para mag-miryenda ay tsaka lamang nila binuksan ang pintuan. Hinainan sila ng orange juice at clubhouse sandwich.
Habang ngumunguya ay chineck ni Izzie ang kanyang cellphone, particular na binuksan ang Twitter.
@phoebsreyes:
Thank you for the support last night! Xoxo
@sergioreyesiv:
bored af. wala bang ganap diyan?
@saintjared:
Let's Hurt Tonight by OneRepublic
@andyyyz:
knew it from the start
Nagsalubong ang kilay ni Izzie sa tweet ni Andrea. Tatanungin na sana niya ang best friend tungkol dito ngunit ayaw niyang makarinig ng kahit anong Andrea ngayong araw nila ni Miguel.
"Ano yan?" Nag-angat siya ng tingin kay Miguel na ibanaba ang juice sa coaster. Siguro ay naramdaman ang pagkibot niya.
"Bored daw si Gio," sagot niya. Sinulyapan niya si Miguel at nag-scroll muli sa Twitter.
Nakakunot ang noo nito. "Tinext ka niya?"
Umiling si Izzie at pinakita kay Miguel ang screen niya na nakabukas ang app. "Twitter."
Naramdaman niyang kinuha ni Miguel ang kanyang paa. Nasa magkabilang sulok sila ng couch ng binata. Inabangan niya ang sunod na gagawin ng kaibigan. Ipinatong nito ang dalawa niyang paa sa hita nito at sinimulang hilutin.
"Movie tayo?" alok nito at kinuha ang remote ng TV.
"Sige. Ikaw bahala."
Binaling na lang ulit ni Izzie ang tingin sa phone. She stalked Andrea. Sinimulan niya sa huling tweet nito at binasa ang mga replies.
@qwertyuiop
You're better off without him
@zxcv1234
He's not the one. Forget about him.
Izzie gasped pero tinakpan niya ang bibig ng kamay.
"Bakit?" Wala sa loob na tanong ni Miguel habang nakatutok sa TV at namimili ng papanoorin.
"News about Justin Bieber," palusot ni Izzie na kinagat naman ni Miguel.
Break na sila? Why isn't Miguel telling her? Why would they break up? Andrea is nice and smart. Parehas sila ni Miguel. She's serious about her studies unlike Izzie. Alam nito ang gusto niyang maging trabaho at ang kukuning kurso sa kolehiyo. Andrea is everything she's not.
Don't tell me... Izzie trailed off in her thoughts.
"Migs," mariin niyang tawag dito ngunit agad na nagsisi. Gusto sana niya kumpirmahin ang mga nasa isip pero, what would she tell him? Ayaw niyang magalit ulit ito dahil nakikialam siya.
"Hmm?" anito ng hindi inaalis ang tingin sa TV.
"Wag horror." It was the first thing that came out of her mouth.
"Okay."
Izzie sighed in relief. Nababaliw na ata siya. Ibinaba na niya ang phone para wala nang makita pang iba.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?