Chapter 22: Bakit
Mga isang linggo atang namula ang pisngi ni Izzie dahil sa mga salitang binitawan ni Miguel noong gabing iyon.
Buti nalang na-divert ang atensyon niya sa pagbabantay ng driving ng lalaki pauwi dahil nakainom ito. Kung hindi dahil dito, baka nabasag na ang salamin ng sasakyan ni Miguel dahil sa tili niya sa sobrang kilig.
Iba talaga kapag in love. Dati pa namang sweet sa kanya si Miguel pero iba na ang dating nito ngayon sa kanya.
Now, she's fallen in deep. There's no helping her now.
"Cheers to our last semester as high school idiots!" hiyaw ni Gio habang hawak ang isang bote ng beer.
Nasapawan ng boses ng maingay na kaibigan ang tunog ng bula mula sa Jacuzzi. Nakina Miguel sila ngayon at bininyagan nila ang newly installed tub ng pamilya Del Rosario.
"Cheers!" Tugon nilang apat sa toast ni Gio.
Kumpleto silang lima at may kanya-kanyang hawak na bote ng beer.
Ito na ang hiniling ni Phoebe na hangout nilang magkakaibigan. Sinamantala nila ang panahon habang hindi pa nagsisimula ang second and last semester nila.
"Cheers to entrance exam results!" Si Phoebe ang sunod na nag-angat ng kanyang beer.
"Cheers to our single lives!" Singit ni Jared kaya lahat sila ay napatingin dito. Nagtaas lamang ng kilay ang binata.
"Cheers to passing this semester," pahayag ni Miguel sa malamig na boses at tinitigan si Izzie na para bang pinaparinggan ito.
Inirapan lamang ni Izzie ang kanyang best friend. Kailangan niya magtaray ngayon para itago ang kanyang kilig.
Magkatabi sila ni Miguel sa hot tub at ang braso ng binata ay nagpapahinga sa likod ni Izzie. Her shoulder is slightliy touching his bare side. She's wearing a monokini and Miguel is topless which made her feel extra sensual.
"Ikaw, Iz? Wala ka bang toast?" Takang tanong ni Jared.
"Bilisan mo ngawit na braso ko!" Angal ni Gio na kanina pa nakataas ang braso na may hawak ng beer.
Natawa si Izzie at umiling. "I have everything I could ever ask for."
Tinagilid ni Phoebe ang kanyang ulo at tinitigan si Izzie. "Talaga lang ha?"
Kinabahan si Izzie pero tinaasan niya lamang ito ng kilay. "Fine. Sorry, Jar, kokontrahin kita. Cheers to our love lives!"
Jared groaned pero ay pinagtama nila ang kanilang mga bote at uminom.
Gio moaned at sumandal sa gilid ng tub. "You guys are the best. Mas gusto ko yung ganitong chill hangouts kesa sa wild parties ni Boaz."
Binaba ni Phoebe ang kanyang bote at tiningnan ang mga kaibigan. "Invited kayo sa debut ni Faith?"
Tumango si Izzie pero napabaling agad sa tumawang si Miguel. "Magde-debut si Boaz. So gay," bulong nito.
"Actually, no," pagtanggol ni Izzie sa kanilang kaklase. "Para lang kay Faith yung traditional programme. Kay Boaz yung after party."
"And it's going to be lit," kumento ni Jared sabay inom ng beer.
Umirap si Phoebe. "Keep it in your pants, Jar."
Napamaang si Jared. "Ano ako? Si Sergio?"
Napabalikwas si Gio mula sa pagkakasandal. "Ano na namang ginawa ko?"
Pinaningkitan ni Phoebe ang katabing si Jared. "Oh, you think I don't know what happened between you and that pep squad girl?"
Nanlaki ang mga mata ni Jared. Kahit moreno ito ay kita ni Izzie ang pamumula ng pisngi nito.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?