Chapter 26: I love you
"Don't touch me."
Hindi alam ni Izzie kung ilang beses na niya sinabi ang mga salitang yon. Simula kagabi sa pagtulog hanggang sa umaga paggising ay yon na ang lumalabas sa bibig niya tuwing nilalapitan siya ni Miguel.
"Iz, sorry na," ani Miguel for the nth time.
Nakaupo si Izzie sa buhanginan at pinapanood matutong magsurfing ang kanyang mga kaklase. Habang si Miguel ay katabi niya at sinusuyo siya.
"Izzie," tawag ulit ng binata sa kanya pero diretso padin ang tingin ni Izzie sa dagat.
"Medyo may tama ako kagabi dahil ni Boaz," paliwanag pa nito.
Izzie scoffed. "Dati ka nang nalalasing pero hindi mo yon ginagawa."
Miguel sighed. "I'm sorry."
Naramdaman niyang nilapit ni Miguel ang mukha nito sa kanya.
"Miguel, isa!"
Pero hindi ito natinag. Ipinatong nito ang mukha sa balikat ni Izzie.
"Izzie, please. Enjoy na lang tayo," pagmamakaawa nito.
Umirap si Izzie at tumayo. "Ako mage-enjoy kasama sina Phoebe. Bahala ka diyan!"
And she left Miguel. Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga babaeng kaklase.
Sinalubong siya ni Phoebe na sumisigaw ang curves na ipinapakita ng bikining suot nito.
"World war three na ba?" Asar nito at sumipa ng tubig dagat papunta kay Izzie.
"Ano ba kasing ginawa niya kagabi?" usi ni Faith nan aka-one piece.
Umiling si Izzie.
"Is he not good, Ongsitco? Gusto mo turuan ko?" Singit ni Boaz na hindi napansin ni Izzie na naroon pala.
Izzie grimaced. "Get lost, Boaz."
Tumatawa itong bumalik sa pagsusurfing.
"Please take my mind off him," pagmamakaawa ni Izzie sa mga kaibigan.
Nagkibit balikat si Phoebe at hinila siya papuntang dagat.
...
Nakapag banlaw na silang lahat at nagre-ready na para sa dinner at bonfire. Si Izzie ang nagi-ihaw ng isda at barbecue kasama si Matt, isa nilang kaklase.
"Bakit ba kasi kayo nag-away? Is he not good enough for you? First time niyo ba?"
Hindi alam ni Izzie kung seryoso o nangiinis ang tanong na yon ng kaklase niya.
Hinampas niya ng pamaypay sa uling si Matt. "Wala na bang ibang laman ang utak niyong mga lalaki kundi sex?!"
"Chill, Iz! We're just simple organisms. Kayong mga babae yung komplikado," depensa ni Matt.
Umirap si Izzie. "Kung walang magandang lalabas sa bibig mo, makipagpalit ka na lang kay Ira."
Umiling si Matt. "Ayoko. Hindi ako marunong magtimpla ng adobo."
"Problema ko pa ba yon? Alis diyan!" Izzie pushed the guy away.
She needs silence tonight. For the first time in her life, ayaw niyang marinig ang pangalan ni Miguel.
Hindi din niya alam kung bakit ang tagal niyang nag-alburito dahil sa nangyari kagabi.
Ilang sandali siyang tahimik na nag-iihaw nang may maramdaman siyang presensya sa tabi niya.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?