Chapter 5: Cramps
Walang practice sa football si Izzie. All she knows are the rules and some few tricks she learned during PE. Isang babaeng kaklase lamang ang kilala niya sa team. Yung iba ay taga ibang section na.
But she didn't care. She's competitive and yet carefree at the same time. She'll just enjoy the game and hope they win. Intrams lang naman yon and she has swimming to focus more on.
"Nood ako first half ng game mo," Miguel declared on their way to school. His basketball game won't start until 8:30.
"Yay!" hiyaw ni Izzie pero biglang bawi ng ngiti. "Sino mag-cheer kay Phoebe?"
Sinulyapan siya ni Miguel habang nasa classroom sila at nilalapag ang bag sa upuan. Doon nila iniiwan ang gamit nila habang isinasagawa ang sports fest.
"Baka salitan si Jared at Sergio sayo at kay Phoebe. Magkatabi lang naman."
Tumango si Izzie at ibinaba ang jogging pants na suot. Gulat na napatingin sa kanya si Miguel pero agad ding nag-relax nang makitang suot niya ang jersey shorts niya sa soccer sa loob.
Natawa si Izzie. "Kinabahan siya oh," tukso niya sa kaibigan, na umirap lamang.
"Wala ka talagang paki ano? May ibang tao sa classroom eh," saway ng binata.
Izzie looked around and saw a few classmates. Pero ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang nasa sulok na si Boaz Gonzales na nakatingin sa kanya. Hindi maipagkakaila ang malisyoso nitong ngisi sa labi. He's a known playboy dahil kilala ang pamilya nito. Madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya. He's rich and his family throws the coolest parties. Palagi silang invited sa birthday ni Boaz at ng kambal nito na si Faith.
She's close with the twins but not as close with Phoebe. Kaya alam niya kung ano ang nasa isip ni Boaz nang magkatinginan sila. Tinanguan niya na lamang ang kaklase at nailing.
She heard Miguel click his tongue kaya napatingin siya dito. Masama ang tingin sa kanya tapos kay Boaz.
"Ang dami mong lalaki," bulong nito ng pabiro.
Nanlaki ang mata ni Izzie at sinuntok ang kaibigan. "Makapag salita ka ah."
Umiwas si Miguel sa sunod niyang hampas at tiningnan ang wristwatch. Ang maputi nitong braso ay mas lalong pumuti dahil sa itim na relo na suot nito. Izzie remembered that watch. It was a gift from her on his 14th birthday. Napag-ipunan niya mula sa mga kupit sa magulang.
"Quarter to 8 na. Tara?" Miguel raised his eyebrows at her.
"Hindi na natin hintayin sina Phoebs?"
"Sabay sila ni Gio panigurado late yon"
"8 din laro ni Phoebe baka hindi."
"Gusto mo malate sa laro mo?"
Umirap si Izzie. "Fine."
Sabay silang lumabas ng classroom. Pababa sila ng hagdan nang makasalubong ang papaakyat na grupo ni Andrea Zamora. Lahat ng mga mata ay nakay Miguel, mga natulala sa kagwapuhan nito.
Napatigil si Izzie at Miguel. Parehas silang nakatingin kay Andrea na kumaway at may nahihiyang ngiti sa labi.
"Hi, kambal!"
"Hello!" Masiglang bati ni Izzie. Ngunit hindi nakatakas sa matalim na mata ni Izzie ang pag-irap ng isa sa mga kaibigan ni Andrea. Lalo na ang bulong ng isa sa mga nasa likod nito.
"Ay may epal," ani ng isang babae nang makita si Izzie sa tabi ni Miguel. Tuloy ay napataas ang isa niyang kilay at nawala ang ngiti.
Tinanguan ni Miguel ang grupo at hinawakan siya sa braso. "Una na kami. May laro pa si Izzie," Miguel excused.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?