Chapter 7

23 4 0
                                    

Chapter 7: The Fairly OddParents

People tend to push others when they think they're starting to get too close. Izzie thinks this is what's happening to her. Ang ipaglandakan si Miguel sa ibang babae ang nakikita niyang paraan para magtigil ang nararamdaman niya.

Izzie looked down at her lunch. Her usual two cups of rice turned to one. Gulay rin lang ang ulam niya ngayon.

"Where's your protein, Iz?" Tanong ng kaibigang si Phoebe na tinutusok ang pagkain nito.

"Not in the mood," bulong niya. Laking pasasalamat niya nang hindi na siya pansinin ng kaibigan which is rare dahil chismosa ito.

Hindi makaangat ng tingin si Izzie dahil nasa harapan niya ang magkatabing si Miguel at Andrea. Tumagal hanggang ngayong Grade 10 na sila ang ligawan ng dalawa at pinipilit padin ni Izzie ang masanay na may ibang ka-close ang kanyang best friend.

"Bro, saan tayo sa birthday mo?" Pagbubukas ni Jared sa topic.

Natigil sa pagk-kwentuhan si Miguel at Andrea at napatingin kay Jared. "I don't know. Baka sa bahay lang."

"Pa-halloween party ka naman!" Hirit ni Gio. Miguel's birthday is on the 31st of the month, sakto sa Halloween.

"Please, Migs," Phoebe whined. "I want a costume party so bad."

Nagsalubong ang kilay ni Miguel. "Sino naman i-invite ko sa party kung sakali?"

Umirap si Phoebe. "Ikaw pa? You're the VP and you're telling me wala kang ma-invite?"

Naglahad ng mga daliri si Gio at nag-enumerate ng mga pangalan. "Invite the student council, bro. Pati mga kaklase natin. The Gonzales twins!"

"Pati mga kaibigan ni Andrea, bro," Jared suggested. Tumango naman ang mahinhin na babae sa tabi ni Miguel.

Nag-angat na ng tingin sa wakas si Izzie. Nasa kanya ang mga mata ni Miguel. "Ano sa tingin mo, Iz?"

Act normal, ani Izzie sa isip.

"Hmm, I'm game. Sabihin mo kay tita," tupid niyang sagot.

"If Izzie says yes, Miggie says yes," bulong ni Phoebe at sumubo ng pagkain.

Naningkit ang mga mata ni Miguel habang nakatingin sa kanya. Nagtaka si Izzie at nagtaas ng kilay, iniisip kung ano ang iniisip ng kaibigan.

Kumalabog ang puso niya nang ngumisi si Miguel ng nakakaloko. "Okay," sa huli ay payag nito.

Naghiyawan ang mga kaibigan.

"All hail, Queen Elizabeth!" Ani Sergio habang nakadipa ang mga kamay. "Iba talaga ang powers mo."

Uminom si Izzie para umiwas sa mga hiyawan ng mga kaibigan.

"On one condition," habol ni Miguel. Sinilip ni Izzie ang kanyang best friend habang umiinom. Pati ang mga kaibigan ay tumigil sa pag-celebrate at naka-abang sa sasabihin nito.

Naka ngising aso si Miguel na nakatingin kay Izzie.

"Iz will sing on my birthday."

Muntikan nang maibuga ni Izzie ang tubig na nasa bibig. She immediately covered her mouth at nagpunas ng labi.

"What the hell, Igs?" Binato ni Izzie ng tissue si Miguel. Nakita niyang umilag si Andrea.

Umaalog na ang balikat ni Miguel habang tahimik na tumatawa.

Inikot ni Izzie ang tingin sa lamesa. Jared and Gio are gawking at her. Si Phoebe naman ay nakataas ang kilay habang nagpanghalumbaba sa tabi niya.

Never Not YouWhere stories live. Discover now