Chapter 13

26 3 0
                                    

Chapter 13: Reforget

Akala ni Izzie ay maghihiwa-hiwalay na silang lima pagtungtong ng Grade 11. She was wrong. Lahat sila ay business track ang kinuha.

Izzie doesn't have anything in her mind about the future. Kaya lamang siya nag-business ay ayaw niyang mahiwalay sa mga kaibigan, especially Miguel.

Kabaliktaran niya ang kanyang best friend, he has everything planned out. Gusto nitong gawing resort ang vacation house nila at palaguin ito para magkaroon ng iba pang branch sa mga sikat na dagat sa bansa.

That's how calculating he is.

Sinilip ni Izzie ang kanyang phone para makitang may text dito si Rob. They have been texting the whole summer.

Phoebe is totally cool with him. Buong akala niya ay kokontra ito dahil ang gusto niya ay magkatuluyan sila ni Miguel.

Rob:

What time ka sa school?

Izzie replied as soon as she read the message. Medyo kanina na rin naman niya ito natanggap.

Izzie:

Otw

Nakabihis na siya at hinihintay na lang nila ni Miguel ang mommy ni Izzie. Ito ang maghahatid sa kanila dahil along the way ang lugar ng meeting nito with a client.

"Magkikita kayo?" Dinig niyang tanong ng kaibigan sa tabi niya. They're sitting on their couch in the middle of Izzie's house's living room.

"Yep," sagot ni Izzie at nilingon ito. Nakita niyang ngumuso ito at tumango.

Nang maihatid sila sa bagong eskwelahan ay agad nilang hinanap ang Registrar para makapag-enroll. Natagalan sila dahil mahaba ang naging pila pati na rin sa cashier.

Izzie was texting Rob the whole time. Gusto nitong makipagkita at i-tour sila sa uni. May training si Rob ng hapon pero aagahan daw nito ang punta para makipagkita kay Izzie.

"Igs, meet daw natin si Rob. He'll give us a tour," paalam ni Izzie sa kaibigan. He only glanced at her and nodded, pagkatapos ay binasa ang hawak na kopya ng curriculum.

Malaking palaisipan kay Izzie ang mga kinikilos ni Miguel simula nung makauwi sila galing beach house. Wala namang kakaiba sa mga galaw nito. Pero ayun na nga, he's acting normal and it's been bugging the hell out of her.

She wanted to get a reaction from him. Kahit konting pag kontra man lang sa nagkakamabutihan nilang relasyon ni Rob or just a hint of jealousy. But no, he's been acting the same, minsan ay wala pa ngang pake.

Gusto na ni Izzie na matigil ang mga iniisip niya pero nagpupumilit ang kanyang puso. She wanted Miguel to want her. But it seems like it's not happening.

"Hey!" Bati ni Rob nang makita silang naghihintay sa tapat ng building ng registrar.

Izzie waved and stood up to meet the guy. Si Miguel ay tumayo din sa likod niya.

"Let's?" Tanong nito at tumango si Izzie.

They started walking. Pinakilala ni Rob ang bawat building na nadadaanan nila. He particularly showed them the building of their department. Sinuyod nila ang bawat floor.

He also gave them tips on where to eat and paano makatipid. Binigay rin nito ang pangalan ng malalapit na hang out places ng mga estudyante.

And of course, he showed Izzie the university's pool. Mas malaki ito sa nakasanayan ni Izzie sa dating paaralan pero hindi ito bago sa kanya dahil ganito naman ang laki ng mga pool sa sinasalihan niyang competitions.

Never Not YouWhere stories live. Discover now