Chapter 15

33 3 0
                                    

Chapter 15: Rob

Iris Pascua. Member of the Entrepreneurs Club. Ranked 10 in the entrance exams. Maganda. Morena. Matangkad. May curves. Responsable. Matalino.

Izzie can see the pattern now. Pinapamukha ng mga babaeng type ni Miguel na hinding- hindi siya nito magugustuhan.

She's not academically inclined. She's not business-minded. She doesn't care about those clubs. She doesn't love studying.

Nailing si Izzie sa naisip. She's dating Rob Ricaforte and she's thinking of another guy. Ang kapal ng mukha niya.

Rob is great, but she can't show her true self to him. Kapag kasama si Rob, she's forced to be kind and not to be a bitch. Kailangan palagi siyang nakangiti kasi ayaw niyang matakot si Rob na may mali itong ginagawa. Kahit wala siya sa mood, pinipilit niyang ngumiti kasi nakakahiya kay Rob.

Rob is perfect. But that's not what she wants. Not what she needs. Hindi niya kailangan ng perpekto. Ang kailangan niya ay si Miguel. Yung araw-araw nakikita ang mga pagkakamali niya pero araw-araw padin siyang tatanggapin. Yung alam agad nito na hindi maganda ang araw niya kahit pekein pa niya ang kanyang ngiti.

"Iris is nice," ani Miguel isang araw na naka-tambay sila sa kwarto ni Izzie.

Well, si Izzie ay naka-tambay habang si Miguel ay nag-aaral. Para sa exam next week!

"Uh-huh," wala sa loob na wika ni Izzie habang nanonood ng Netflix. Pero sa isipan niya ay naka isang daang irap na siya.

"We'll jog later. Sama ka?"

Sinulyapan ni Izzie si Miguel na nasa study table niya. Naka-baba ang libro nito at naka-angat ang phone sa kamay. May naglalarong ngiti sa labi nito.

He looks good kahit naka-pambahay. Naka-muscle tee ito at naka-jersey shorts.

"Akala ko ba nag-aaral ka? Puro ka Iris dyan," inis niyang bigkas.

She's not even hiding it anymore. Hahayaan niya na lamang isipin ni Miguel na may dalaw siya kaya siya ganito.

"1 hour jog lang naman," mahinahong sambit ni Miguel.

Gusto niya umirap. He sounds so lovesick. It's annoying and it hurts.

"Ayaw mo sumama? First time ah," tukso ni Miguel at narinig ni Izzie ang tunog ng pagbaba ng phone sa lamesa.

"Not in the mood," aniya at sumubo ng chichirya na kandong niya.

"Then, I expect you to study while I jog?" Pinabitin ni Miguel ang huling salita, naghihintay ng sagot niya.

"Next week pa ang exams, Migs! I'll study the night before," inis niyang bigkas.

Pinipilit niyang habulin ang subtitles sa Spanish series na pinapanood habang nakikipag-usap sa kaibigan.

"Stop cramming. Use long-term memory," sermon ni Miguel.

Izzie scoffed. "I work well under time pressure. Mas naaalala ko."

She heard Miguel sigh. "Bahala ka. Just don't go crying on me when you fail."

"I won't," ani Izzie.

"Won't what? Fail or cry?"

"Cry," sagot ni Izzie sabay tawa. Pati si Miguel ay natawa na din sa kanya at nailing na bumalik sa binabasa.

"I don't want you to fail, Iz. Please study," ani Miguel sa malambing na tono.

Napasinghap si Izzie. She doesn't like that tone. She's a sucker for that voice.

Never Not YouWhere stories live. Discover now