Chapter 10: Best Friends
Izzie didn't know how Jared pulled it off. Hindi niya nakita ang buong pangyayari. Akala niya ay nakita siyang umiiyak ni Miguel. Paniguradong nagtaka iyon kung bakit siya yakap ni Jared.
Hindi niya alam kung anong senyas ang ginawa ni Jared para hindi sila lapitan ni Miguel. O baka naman masyado itong focused kay Andrea kaya hindi na siya pinansin nito?
Izzie's heart broke for the nth time at the thought. Inisip niya na lamang na maganda ang naging excuse ni Jared kaya hindi sila nilapitan ng kanyang best friend.
Pagkatapos ng kanta ng Code Red ay hinila na siya ni Jared sa backstage. Ang paalam nito kay Miguel ay pupuntahan nila si Phoebe.
Kahit napapaligiran ng mga nagkakagulong tao sa backstage, nanatiling tulala si Izzie. She only managed to give Phoebe a good luck greeting bago bumalik sa pagkakatayo sa isang sulok.
Jared was with her all throughout. Hindi niya alam paanong naging si Jared ang kasama niya ngayon. He is her friend, alright. But not the one she expected. Hindi ba dapat si Miguel ang kasama niya? Hindi ba dapat si Miguel ang sinasandalan niya?
Natawa siya sa naisip. Imposibleng kay Miguel siya sumandal gayong ito naman ang dahilan ng mga luha niya.
"What was that for?" Nabalik ang diwa ni Izzie nang bahagya siyang sikuhin ni Jared sa tagiliran. "You just smiled. What was that for?"
Nagtaas ng kilay si Izzie. Hindi niya alam ang sasabihin. Umiling na lamang siya kay Jared.
Pinanood nila Izzie, Jared, at Gio mula sa backstage ang pagsayaw ng grupo ni Phoebe. Nakasilip sila mula sa likod.
Muling umingay ang backstage ng matapos ang number nina Phoebe. Nagpicturan silang apat.
"Asan si Miguel? Sasapakin ko yon! Bakit wala siya dito?" Inis na sigaw ni Phoebe habang iniisa-isang tingnan ang tatlong kaibigan na naroon.
"Probably Andrea," ani Gio at inabutan ng water bottle si Phoebe.
Umirap si Phoebe sa narinig. "Alam ko na nararamdaman mo, Iz," anito at ininom ang tubig.
Nanigas si Izzie sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya ito sinagot. Ayaw niya pag-usapan si Miguel.
Naramdaman niya ang kamay ni Jared sa kanyang balikat. Nilingon niya ito at ngumiti. He's probably worrying about her, like what he's been doing all day.
Jared smiled back at her. Izzie knows that kind of smile. It's the kind Miguel gives her when she needs encouragement.
Pinanood nilang mag-ayos ng gamit si Phoebe at hinintay itong makapagpalit.
Sabay-sabay silang lumingon nang maingay na bumukas ang pinto ng backstage. Pati ang ibang tao doon ay nagulat.
Iniluwa ng pintuan ang hinihingal na si Miguel. Nagsalubong ang kilay ni Izzie. Si Jared naman ay nagtaas ng isang kilay. Si Gio ay parang wala lang ang nangyari.
"Oh, Miggie boy. Lagot ka kay Phoebs," salubong ni Gio kay Miguel nang makalapit ito sa kanila.
Hindi ito pinansin ni Miguel sa halip ay nilapitan siya. Izzie looked away. She felt Jared behind her.
Nag-angat ng tingin si Miguel sa likod niya, probably at Jared. Nagbuntong hininga ito bago bumaling ulit kay Izzie.
She couldn't bring herself to meet his eyes. Natatakot siya na baka maiyak ulit.
"Iz," bulong ni Miguel at inabot ang kamay niya. Nakatungo lamang si Izzie at nakatingin sa suot na Vans ni Miguel.
Natawa siya sa isip dahil ito yung sapatos na siya ang pumili dahil hindi makapag-decide si Miguel.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?