Chapter 25: Junior
"Damn, finally, you two!"
"Deets, please."
"So, how's the first time, dude?"
"Is it even the first time? My gosh! Hindi ko na alam!"
"There's blood in the sheets! Obviously the first!"
"Tanga! Tagos yan ni Izzie!"
Izzie stared at her friends blankly as they finally answered their own questions.
Katabi niya si Miguel na ngayon ay naka t-shirt na. They're both sitting down on his couch habang nakatayo sa harap nila ang tatlong kaibigan.
They're like vultures eyeing their prey. Pakiramdam niya ay nasa harap siya ng thesis defense panel at inuulan ng mga tanong.
Miguel finally broke the commotion.
"Guys, walang nangyari. I can't do that to Izzie," paliwanag ng binata dahilan ng pagtigil sa pagsasalita ng tatlo.
Izzie blinked. Alam din naman niyang walang nangyari. For God's sake! Hindi ba obvious?
Naningkit ang mga mata ni Phoebe. "Liar! Kita ko kayo mag PDA tapos bigla na lang kayong umalis kagabi."
Umirap si Izzie. "That doesn't mean anything."
"Hindi padin ako maka-get over sa pag-iwan niyo samin," malungkot na pahayag ni Gio na nakaupo na sa carpet, parang may nakipag-break dito.
"Eh bakit dito pa kayo dumiretso? Hindi na lang sa mga bahay niyo?" Izzie couldn't help asking.
Natulala si Phoebe. Si Jared ay naiiling.
Napalunok si Phoebe. "I wanted to see how it went with you two," bulong nito.
Umirap si Izzie. Inulan pa sila ni Miguel ng mga tanong bago nagsiuwian ang mga kaibigan.
Tiningnan niya ang kama ni Miguel na may tagos niya. She grimaced. It looks like a crime scene.
"Igs, palitan ko bedsheets mo. Ako na magpapa-laundry," pagp-presenta ni Izzie at sinimulang tanggalin ang kobre kama.
"Okay lang, Iz. Hayaan mo na yan diyan," ani Miguel sa pagod na boses.
Natinigan ni Izzie ang kakaiba nitong tono kaya natigil siya sa ginagawa at nilingon si Miguel na nakaupo sa couch.
"You okay?" Nag-aalala niyang tanong at tumabi sa upuan.
Saglit na naghintay si Izzie sa sagot ni Miguel dahil matagal itong natulala.
Umiling ito at nagbuntong hininga.
"I'm sorry for giving you a shitty Valentine's day," bulong nito habang nakatitig sa kawalan.
Izzie chuckled. Kinilig siya sa banat nito. Lahat ata ng sinasabi ni Miguel ay parang pick up line kay Izzie.
Sumandal siya sa balikat ng binata at yumakap dito.
"Ano ka ba? Hindi naman tayo nagce-celebrate ng Valentine's dati, ah?" biro ni Izzie kahit alam niya ang ibig sabihin ng kaibigan.
Miguel glanced at her, more like stared, kaya nagtaas ng kilay si Izzie dito.
"Date tayo?" alok ng binata na dahilan ng pagngiti ni Izzie.
That day, they celebrated their first Valentine's day as a couple, only a day late.
Mabilis kumalat ang balita sa kanilang circle of friends. Syempre, nakarating ito sa kanilang past links tulad ni Iris at Rob.
Nawiwirduhan si Izzie kay Rob dahil tuwang-tuwa pa ito na nagkatuluyan sila ni Miguel.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?