Chapter 3: Number One
Intramurals came and Izzie couldn't hold her excitement. Dalawa ang sinalihan niyang sports, swimming at soccer. She's that excited.
"How much energy do you have in you? Talo mo pa si Naruto," puna ni Miggie noong nag-aayos sila ng gymnasium.
It's the day before the opening of the sports fest at tumulong si Izzie at Phoebe sa pag-aayos ng gym. Tutal, VP ng student council si Miguel at officers din ng Sports Club si Gio at Jared.
Silang limang magkakaibigan ay may kanya-kanyang sinalihan. Si Phoebe ay nakapasa sa try-outs ng volleyball. Yung tatlong lalaki naman ay sa basketball kasali.
Nilagay ni Izzie ang takas na buhok sa likod ng tenga bago umakyat sa ladder para idikit ang Styrofoam na may drawing ng school mascot nila.
"Hiwalay na araw naman yung dalawa na sinalihan ko," pagtanggol ni Izzie sa sarili. Ang kausap nitong si Miguel ay nakatingala sa kanya at inaalalayan ang hagdan na inaapakan niya. "Tsaka kahit ipag isang araw pa yon, maglalaro padin ako. Kulang ng players sa football ang Grade 9."
She heard Miguel click his tongue in displeasure. "Bahala ka," anito.
Umirap si Izzie. Wala naman siyang sinabi kay Miguel na pakialaman siya nito. She can do whatever she wants. Alam niya ang kaya ng katawan niya and she'll use it to full capacity.
Kahit nagkainisan ang dalawa ay inalalayan padin ni Miguel si Izzie pababa ng hagdan.
"Thanks," Izzie whispered and Miguel nodded bago bumalik sa lamesa kung saan may iba itong inaasikaso.
Nagtungo si Izzie sa mga letter cut-out at kukunin na sana ang sunod na styro na ididikit ngunit may pumigil sa kanya.
"Ako na diyan, Iz. Baka di ka makapaglaro kapag nalaglag ka,"singit ng kaibigang si Jared at inagaw ang pupulutin dapat na styro ni Izzie.
Suot ni Jared ang sleeved jersey na nakilala ni Izzie. Ito yung jersey nila nung Grade 8. Nakasulat ang apilyido na Santos sa likod at ang number 17.
Sinamaan niya ng tingin ang lalaking kaibigan. "Sinong may sabi na malalaglag ako?" Mataray niyang bigkas. "Ako na," she said firmly at aagawin sana ang styro pero inilayo ito sa kanya ng binata.
"Mas matangkad ako," asar ni Jared at inunahan na siya sa hagdan. Izzie snorted and went away but she can hear Jared's chuckle.
She turned to Miguel's direction and saw that he's already looking at her. Base sa reaksyon ay pinapanood nito ang kaninang agawan nila ni Jared.
Nagpasya si Izzie na si Miguel na lamang ang lapitan para tumulong. Gumagawa ito ng sign board ng mga year level.
"Saan ilalagay iyan?" Tanong ni Izzie at umupo sa tabi ng kaibigan.
"Para sa designated area ng bawat grade. Dapat meron sa baba para sa athletes tapos meron din sa bleachers," paliwanag nito.
"Ano pa pwede kong itulong?" Nagpanghalumbaba si Izzie at pinanood si Miguel. Mukha kasing kaya na nito mag-isa na gawin ang mga signboard.
"Magpahinga ka na lang diyan. May swimming bukas diba?" Miguel said and gave her a glance before going back to his work.
"Hmm," Izzie agreed at patuloy sa pagmasid sa kamay ni Miguel na gumalaw. "Kamusta na kayo?" She unconsciously asked.
Napatigil si Miguel sa ginagawa at tiningnan siya. She met his gaze and wiggled her eyebrows. Kinunotan lamang siya ng noo nito.
"Nino?" Maang na tanong ni Miguel.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?