Chapter 8: Happy Birthday
Isa-isang nagdatingan ang mga bisita. Nagulat si Izzie sa mga kung sino ang dumalo. Ang iba ay mga sikat sa kanilang school. Hindi na siya nagulat sa presensya ni Boaz at Faith Gonzales dahil kaklase naman nila ito. The twins are in a Team Rocket costume.
Ang ikinagulat niya ay ang pagdating ng members ng Code Red, ang sikat na banda sa school nila. Napaisip si Izzie kung sino ang kakilala nito sa kanilang magkakaibigan.
Izzie froze when she heard a whisper from her behind. Alam niyang si Miguel yon. Just his presence is enough for her to tell. "Ready ka na?"
Kahit di niya lingunin ay alam niyang nakangisi ito na nagiinis.
"Eto na regalo ko sa'yo, ah! Wala akong pambili. Konti lang kupit ko," she jokingly said.
Naramdaman niya ang kamay ni Miguel sa kanyang likod. Direkta sa balat niya ang palad nito kaya bahagya siyang nanginig. "Okay lang. It's more than enough," anito at nilampasan siya.
She watched as Miguel welcomed Andrea's group. Wednesday Addams nga ang costume nito. Namataan niya agad ang kinaiinisan niyang kaibigan ni Andrea. The girl is in pigtails and bangs tapos ay naka oversized purple shirt.
Akala ni Izzie ay si Ugly Duckling ng Chicken Little ang costume nito, yun pala ay si Boo sa Monsters Inc.
Isinuot na ni Izzie ang kanyang DIY wings at nakipaghalubilo din sa mga kaklase. She saw Gio is in one of the tables at may kausap na mga babae na hindi niya kilala.
There's no formal programme. Si Gio lang ang nag-host na parang ewan.
"Jar, music!" Sigaw nito sa mic at sumenyas kay Jared na nasa may control ng speakers. Nang lumakas ang music ay humiyaw si Gio.
"Red Hawks, mag-ingay!" Sigaw ni Gio para ma-hype ang mga tao, calling them by their school mascot dahil lahat naman ng bisita ay taga-school nila.
"Enjoy the food, guys! Feel at home! Oh! And happy birthday nga pala, Migs." Maangas nitong saad na para bang siya ang may pa-party.
Hindi mapakali si Izzie habang kumakain. Isang stick nga lang ng barbecue ang nakain niya sa sobrang kaba.
Magkasama sila sa isang table ni Miguel. Laking pasasalamat niya nang hindi nito kasama si Andrea ngayon. The girl is currently with her friends at another table.
Lumapit ang magulang nila. Agad tumayo si Izzie para batiin sila. She kissed Miguel's mom's cheeks. Tinapik naman siya ng kanyang Tito John, ama ni Miguel, sa balikat.
"Ang cute niyong dalawa!" Kumento ng ina ni Miguel.
"Thanks, tita," Izzie smiled warmly. She then turned to Katja in a ballerina costume.
"Ate, ang sexy mo. I want to be like you," ani Katja ng nakatingala sa kanya.
Narinig niya ang pagtikhim ni Miguel sa likod niya kaya nilingon niya ito. Pero nag-iwas lamang ito ng tingin. Kitang-kita ni Izzie ang pamumula ng tenga nito.
"Oh, you will, Kat," biro ni Izzie.
Bumati din si Phoebe sa magulang nila. Kasama rin nila ito sa table. Izzie smiled at her mom na kahilera ng mga Del Rosario.
Their parents joined them in their table at nakipagkwentuhan. Miguel is talking with his dad about starting a business. Mas focused si Izzie sa kanyang ina at Tita Sarah na nag-uusap tungkol sa baking. Even Phoebe is interested in the topic.
"Paging Elizabeth Ongsitco, please come up on stage," dinig niya ang boses ni Gio sa mic.
It's time. Napapikit siya ng mariin at tumayo. She glanced at Miguel na biglang nag-ngisi aso. Pero agad itong napawi. He smiled at her encouragingly instead.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?