Chapter 24: Red day
"Izzie."
The girl rolled her eyes.
"Psst."
Pinalis niya ang kamay ni Miguel na sinusundot ang tagiliran niya.
"Problema mo?"
Hindi pa din niya ito pinansin at nagpatuloy sa panonood ng cotillion ni Faith.
"Red day?"
Nagbuntong hininga si Izzie at tamad na tiningnan ang katabi.
"Yes, Miguel. It's red day. Now, stop," inis niyang bigkas at bumaling ulit sa palabas.
Naramdaman niya ang pag-upo ng ayos ni Miguel, tanda ng pagsuko nito sa pangungulit sa kanya.
They're seated at a round table in the middle of a hall for their classmate, Faith's debut. Sakto ang birthday nito sa Valentine's day.
Red day.
Pero para kay Izzie ay literal na red day ito. Oo, may dalaw siya. And she's full on lioness mode.
Nasa kabilang tabi niya ay si Phoebe na nanonood din sa programme. Kasama din nila si Jared at Gio sa table pati ang ilang mga kaklase nila simula junior high.
Kasali din si Izzie at Phoebe sa 18 toasts ni Faith.
As complicated as Izzie is, hindi niya mapigilan ang ma-guilty sa pagtataray niya kay Miguel. Bigla siyang naawa sa best friend niya dahil kanina pa niya ito inaaway.
Pasimple niyang sinilip si Miguel at nakitang seryoso lang itong nakatingin sa harap. Swabe itong nakasandal sa upuan at nakahalukipkip.
Izzie instantly looked away.
Kahit kalian ay hindi siya masasanay sa kagwapuhan ni Miguel.
Bakit parang araw-araw mas lalo itong gumagwapo? Pwede bang tumigil na lang siya? Hindi pa ba tapos ang puberty stage niya?
Izzie and Miguel have been going at it ever since they crossed the best friend barrier. Pero hanggang ngayon ay hindi padin nila sinasabi sa mga kaibigan nila.
"Anong oras mo gustong umuwi?" Dinig niyang tanong ni Miguel. Palabas na sila ng venue para pumunta sa after party.
Nakaalalay ang binata sa likod niya habang naglalakad. Maingay na nakasunod sa likod nila si Gio, Jared, at Phoebe. Sasabay ang tatlo sa kanila ni Miguel papunta sa club at pauwi.
Nilingon ni Izzie ang kaibigan. "Bahala na."
Sinalubong ni Miguel ang tingin niya. "Sabihin mo lang. I know you're not feeling well."
Aminado si Izzie na kinilig siya sa sinabi ni Miguel pero isang pilit na ngiti lamang ang naisukli niya sa kabaitan ng best friend. Hindi niya talaga kayang sumaya ngayon. It's her second day, anyway.
"Iz, okay ka lang?" Dinig niya si Jared mula sa kanilang likod. Naglalakad sila papuntang parking.
Napatigil sa paglalakad si Miguel at nilingon ang binata kaya napatigil din si Izzie.
"Uh-huh," mahinang tugon ni Izzie.
Naramdaman niya ang paghiwalay sa kanya ni Miguel kaya napabaling siya dito.
"Dito ka na lang. I-ikot ko na lang dito ang sasakyan," presenta ni Miguel.
"Samahan kita, bro," ani Gio at naglakad na sila ni Miguel papunta kay Chance.
Izzie felt Phoebe's arm around her. Nilingon niya ang nakakabighaning kaibigan.
Phoebe's hair is in curls. Kinulayan nito ang kanyang buhok ng light brown. Bumagay sa medyo pagka-mestizang features ng kaibigan.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?