Chapter 6

42 4 0
                                    

Chapter 6: What You Want

Magkatabi si Izzie at Phoebe sa bleachers kasama ang iba pa nilang kaklase and the rest of Grade 9.

May hawak-hawak si Izzie na dalawang mahabang balloon na kulay pula, ang kulay na naka-assign sa grade level nila. Si Phoebe naman ay may hawak na pulang banner na may puting nakasulat na 'Fight9!'

Izzie wore her hair in low pigtails with red ribbons to show support and just because she felt cute. Kabilang siya sa mga estudyante na naghihiyawan sa bleachers.

Their basketball team made it to finals. Kahit na natalo ang mga ito sa first game, nakabawi sila noong natalo nila ang Grade 7 at 8. Kaya ang team na naman nina Silverio ang kalaban ngayon.

Izzie scanned the crowd for her best friend and immediately found him. Litaw na litaw ito dahil sa kutis. Lalo pang pinagwapo ito dahil sa clean, faded haircut nito. Miguel is tall for their age but not as tall as Jared. He's wearing black wristbands on both wrists at nakapamaywang na nakikinig sa sinasabi ni Jared.

Kabaliktaran ng features ni Miguel yung kay Jared. The latter has golden skin na kumikinang pag naarawan at pinagpapawisan. They're like Edward Cullen and Jacob Black, yun nga lang si Jared ang kumikinang.

Pure Pinoy si Miguel pero madalas itong mapagkamalan na may lahing instik. Talagang maputi lang ang parehas nitong magulang na kanyang minana. While Izzie got her white skin from her father who's a quarter Chinese, she envies her mother's tan and caramel skin.

Nakaharap si Miguel at Jared sa bench kung saan nakatingala ang nakaupong si Gio. Dahil mahaba ang undercut nitong buhok, itinali nito iyon sa isang man bun. Masinsinang nag-uusap ang tatlo. May lumapit na iba pa nilang ka-team at mukhang nagp-plano ito ng game play.

Grade 10 has Isaac Silverio but Grade 9 has a team. Kahit na hindi maipagkakaila ang galing ni Ice, kamangha-mangha ang teamwork nila Miguel with Jared as their captain.

Izzie saw how Miguel learned how to play basketball. Tumaba kasi ito nung elementary sila kaya nagsimula itong magbasketball sa village court nila para pumayat. And he found out that he's good at it kaya nagsimula itong sumali sa mga league ng basketball sa village.

"Jared Santos, akin ka na lang!" Napalingon si Izzie at Phoebe sa nangibabaw na boses na iyon. It's from a fellow Grade 9 pero hindi nila kilala dahil taga ibang section.

Natatawang nagkatinginan si Izzie at Phoebe. Napabalik lang ang tingin nila sa court nang tawagin na ang mga players para sa jump ball. Lalong lumakas ang sigawan nang si Jared ang nakakuha ng bola at ipinasa kay Gio.

The game was intense. Halos magkalapit lang ang score noong nag final buzzer. Kitang-kita sa bawat player na seryoso sila sa paglalaro at gustong manalo. But it was Silverio's indescribable skills that conquered the game. Anak din naman kasi ito ng dating PBA player at nakababatang kapatid ng sikat na UAAP rookie. Nasa lahi talaga nila.

Sinalubong ni Izzie at Phoebe ang mga kaibigan pagkababa sa bleachers. Dinudumog ang mga ito ngayon ng mga gustong magpa-picture.

"Iz, gusto mo sa classroom na lang natin sila hintayin?" Phoebe suggested.

"Sige," wala sa loob na bigkas ni Izzie at tumitiad padin siya para masilip sina Miguel.

Nakita niyang si Andrea ang nagpapapicture dito ngayon. Hindi nakatakas sa paningin ni Izzie ang pag-akbay ni Miguel sa babae dahilan ng pagpuno ng tuksuhan sa lugar na iyon.

Matapos nila mag-picture ay nag-usap pa ang dalawa na para bang walang pakialam sa mga sunod na magpapa-picture kay Miguel.

"Halika na!" Hindi na nakita ni Izzie ang sunod na nangyari dahil hinila na siya ng naiinip na kaibigan.

Never Not YouWhere stories live. Discover now