Chapter 14: Iris
Classes started as well as Izzie's training. Kaya naman mas lalo silang nagkita ni Rob at hindi na lamang puro sa text nagkakausap.
Hindi mapigilan ni Izzie ang pagkalabog ng kanyang dibdib. Tama ang hinala niya na hindi lamang pure friendship ang habol sa kanya ni Rob.
He finally asked her out! Specifically, brunch. May vouchers daw ito sa isang sikat na brunch buffet at gusto ni Rob na si Izzie ang makasama.
Izzie was totally game. She gets to hang out with her high school crush and gets to eat in a buffet. And gets a chance to forget about Miguel.
Nagulat si Izzie nang may bumusina sa harap ng bahay niya. She looked out through her bedroom window para makita kung sino yon. Namukhaan niya ang putting Civic Type R ni Rob.
She squeeled. This will be her first date! Pinagdadasal niya na sana ay maging smooth ang araw niya.
She took a last glance at her reflection and smiled. Nakalugay ang kanyang hanggang dibdib na buhok. She's wearing a yellow sleeveless blouse na naka-ribbon sa balikat niya and faded blue jeans. She wore sandals to match the girly look.
Nagulat siya nang makita si Miguel sa salas nila pagkababa niya. Nakaupo ito sa couch sa harap ng TV. Agad nagsalubong ang mga mata nila.
"Ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Izzie at inayos ang pagkakasukbit ng kanyang shoulder bag.
Miguel smirked at her matapos nitong suyurin ng tingin ang buong pagkatao niya.
"Gusto ko lang makita kung gaano ka ka-panget sa first date mo," biro nito.
"My, alis na ko!" She shouted at her mom who's probably in the kitchen.
Kasabay niyang lumabas ng bahay si Miguel. Nakita niyang naka-baba ang bintana ng kotse ni Rob kaya agad silang napansin nito.
He flashed his smile as white as his car. Bumaba ito para salubungin sila.
Napaawang ang labi ni Izzie nang makita ang buong kagwapuhan ni Rob. He's wearing a white polo shirt and faded jeans. Naka white sneakers din ito.
Parang hindi totoo ang mukha nito. Napaka-mestizo. He looks so clean and dashing.
But he's not Miguel.
Izzie smiled bitterly. Gusto niyang sampalin ang sarili. Madaming babae ang gustong maging siya ngayon. Sino siya para magreklamo gayong si Rob Ricaforte ang kanyang ka-date?
Tumikhim si Miguel sa kanyang likod kaya nilingon niya ito at kinawayan. "See you later."
Nagtanguan ang dalawang lalaki bago umikot si Rob para pagbuksan siya ng pinto. She smiled shyly. Mula sa sasakyan ay pinanood niyang maglakad si Miguel papasok sa sariling bahay.
"Talaga palang para kayong kambal," kumento ni Rob nang mapa-andar na ang sasakyan.
Izzie chuckled. "Si Miguel? We're more like cats and dogs."
Ngumiti si Rob. "If I didn't know better, I'd be jealous of him."
Izzie's heart skipped a beat.
"Hm?" Kunwa'y di niya na-gets ang sinabi nito.
"Nevermind," naiiling na tugon ni Rob.
Hindi na rin pinatulan ni Izzie ang sinabi nito. It'll only make things awkward. Sa halip ay nagkwentuhan na lamang sila ng mga bagay na nagkakasundo sila. Katulad ng sports.
During the brunch, nag-kwentuhan din sila tungkol sa pamilya. Rob's mom is also into baking kaya napunta doon ang kanilang kwentuhan.
"Let's set our moms up next time," ani Rob.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?