Chapter 4: Lucky Swimsuit
Maagang nagsimula ang opening ceremony ng sports fest. Naka-apat na major divisions ang mga athletes sa court at naka-ayon sa kanilang per grade level na teams.
Magkatabi si Izzie at Phoebe sa linya. Hindi maipagkakaila ang laki ng agwat nila sa height. Phoebe is 5'5 even at her age. Pero tingin nito ay max height niya na iyon at hindi na siya tatangkad pa. Maaga kasi itong nagdalaga. Izzie is 5'3 but she's skinny kaya mukha siyang matangkad pwera na lang kung itatabi siya kay Phoebe.
"Makakapanood ako sayo mamaya, Iz. Wala akong game," ani Phoebe habang nakatingin sa unahan, kunwari ay nakikinig sa opening remarks ng kanilang principal.
"Nice," masiglang bigkas ni Izzie. "Ikaw, kelan first game niyo?"
"Bukas ng umaga, around 8 siguro," sagot ni Phoebe at iginilid sa balikat ang mahaba nitong buhok na naka-high ponytail.
Nanlaglag ang balikat ni Izzie. "Bummer. 8 din ako sa soccer."
"Okay lang, Iz. There'll be a crowd of boys cheering for me. Wala ka ding lulugaran," asar ni Phoebe na ikinatawa ni Izzie.
Hindi niya maipagkakaila na madami ding naaligid na lalaki sa kaibigan niya. Long-legged ito at maganda ang kurba ng katawan. Lalo na siguro bukas sa laro nito dahil naka cycling type shorts ito.
Nang matapos ang ceremony ay nagkita ang limang magkakaibigan. It's 11am and Izzie has until 1pm para mag-relax. Hindi siya nakakaramdam ng kahit anong kaba. Sanay na siya sa competitions. She's been competing since elementary.
"Migs, kasali tayo sa first five. Grade 10 ang una nating kalaban. Andon si Silverio kaya ready tayo," she heard Gio say.
Nakabilog sila sa isang round table sa canteen. Izzie is focused on eating because she needs calories. Two cups ng rice ang inorder niya at dalawang serving ng beef steak. May boiled egg pa itong kasama.
Phoebe grimaced at her. "Girl, how can you be so skinny kung ganyan ka kumain? You eat like a guy!"
Sinulyapan niya ang kaibigan bago sumubo ng kanin. She heard Miggie scoff. "Mas malakas pa yan kumain sakin," she heard him comment.
She only snarled at them. Nakita niyang hinampas ni Gio si Miguel dahil wala sa kanya ang atensyon. Pinapanood kasi nitong kumain si Izzie with an amused face.
Sumali si Jared sa pagkuha ng diwa ni Miguel. He snapped his fingers in front of Miguel's face at saka lamang ito bumaling sa kanila.
"Bati na kayo?" Usi ni Phoebe at kumagat sa sandwich nito. Pinapanood siya nito habang ngumunguya.
Sa pagkain lamang nakatingin si Izzie. "It was just a petty fight. Nothing new."
Nagkibit balikat lamang si Phoebe.
"Bro, Andrea Zamora is looking at you," rinig niyang sabi ni Jared na nakakuha ng atensyon niya.
Tiningnan niya si Miguel na tumingin sa nginuso ni Jared. Izzie followed his gaze. Nakita niya ang mga grupo ni Andrea Zamora na nagbubungisngisan. Halatang pinag-uusapan ang kanyang best friend dahil patingin-tingin ang mga ito sa gawi nila.
She saw Miguel look back to Jared. "Anong meron?" Maang nitong tanong.
Jared went back to eating. "Wala naman. Nag-uusap kayo?"
"Sa chat," ani Miguel.
Unlike Izzie, nakuntento na si Jared sa isang tanong tungkol kay Miguel. Naisip ni Izzie na baka nasobrahan nga siya sa pagusisa sa kaibigan kaya ito nagalit. She won't do it again. Hahayaan niya na lamang ito ang kusang magkwento.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?