Chapter 9: Sandalan
Izzie spent the rest of the year trying to forget her feelings for her best friend. Phoebe was against it at first because she ships the two so hard. But Izzie managed to convince Phoebe to quit it.
Naging awkward si Izzie at Miguel the day after the boy's 16th birthday. Ngunit kalaunan ay naayos din nila. They came back to normal best friends. Nagbibiruan, nagkakainisan, at hindi nagkaka-inlove-an.
Izzie will just have to get used to Miguel and Andrea. Nagawa niya yon simula Grade 9, why not until now?
Her dad came home for Christmas kaya nawala ang kanyang mga palaisipan. She took the chance to bond with her dad and make up for the lost time. Syempre, hindi mawawala na isama si Miguel sa kanilang mga lakad. They even got their scuba diving licenses together.
Mahilig sa adventure ang ama ni Izzie at namana niya yon. Kaya napuno ng mga lakad ang kanyang Christmas vacation. They went hiking, scuba diving, surfing, kayaking, you name it.
It was a great time to escape and divert her attention. Kaya pagsapit ng kanyang birthday noong bagong taon ay napakasaya ni Izzie. She can finally smile genuinely in front of Miguel. Naging okay na ulit siya. Or so she thought.
Dahil noong pasukan ay nakita na ulit niyang magkasama si Miguel at Andrea. Ang pinagkaiba lang ngayon ay kaya na ni Izzie umakto ng normal kapag kasama ang dalawa.
Their school's foundation week came and everybody got busy, which Izzie thinks is a good thing. Naging busy si Miguel sa student council kaya hindi nito nakakasama si Andrea. Busy din si Andrea sa school paper. Izzie felt evil for being happy that the two won't be able to spend time together.
She took the chance and volunteered to be one of Miguel's committees. Hindi niya kasama sina Phoebe dahil sumali ito sa isang dance troupe na magpeperform sa foundation night. Si Jared at Gio naman ay abala sa sports club dahil may isasagawa silang one-day basketball league.
Kasalukuyang nasa student council office si Izzie at Miguel kasama ang iba pang miyembro ng org.
"Igs, inalok ako ng Code Red maging female vocalist nila," proud na proud na wika ni Izzie habang naggugupit ng cardboard.
Nag-angat si Miguel ng tingin mula sa laptop nito. "Pumayag ka?"
Umiling si Izzie. "Masyadong malapit na yung performance. Kung sinabi sana nila ng mas maaga," paliwanag niya.
Tumango si Miguel. "Sayang," anito.
Sinulyapan ni Izzie ang kanyang best friend and as usual, her heart skipped a beat. Nag-iwas siya ng tingin bago pa siya mahuli na nakatingin dito.
"Gutom ka na?" Nagulat si Izzie nang biglang magsalita si Miguel. Tiningnan niya ito at sinarado na ng binata ang kanyang laptop.
"Sakto lang," ani Izzie pero ibinaba na niya ang cutter na hawak. "Ikaw? Lunch na tayo?"
Miguel nodded and stood up from his desk. Nagpaalam ito sa iba pang officers.
Inayos ni Izzie ang nagusot na palda ng uniform dahil sa pagkakaupo sa sahig. Itinali din niya ng ayos ang nagulo na niyang ponytail. Isinukbit niya ang takas na buhok sa likod ng tenga at nauna na papalabas.
She waited at the hallway. Siguro ay may hinahabilin pa si Miguel sa ibang officers. Sinilip niya ito mula sa kinatatayuan niya. She saw him texting.
Maya-maya ay ibinaba na nito ang cellphone at sinalubong na siya sa labas.
"Sabay daw si Andy mag-lunch," bungad nito ng hindi siya tinitingnan, sa halip ay nagsimula na silang maglakad papuntang canteen.
"Okay," walang pag-aalinlangang sagot ni Izzie. She's used to it. Yun nga lang, akala niya ay masosolo na niya sa wakas ang kanyang best friend.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?